Dennis Trillo at Carla Abellana in Love Bug

Pagkatapos ng dalawang taon, tuluyan na ngang mamamaalam sa ere ang Dear Friend nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Ito ang Sunday romance show ng Siyete bago mag-Showbiz Central. Final season na nila ang Tisay na pinagbibidahan ni Jackie Rice.

Isa na namang programa ang magpapakilig sa mga Kapuso! Ito ang Love Bug. Sa launching episode nito, sina Dennis Trillo at Carla Abellana ang magkatambal.

‘My Last Romance’ ang title ng Love Bug episode nina Dennis at Carla. Una silang nagsama bilang main hosts ng Starstruck V at ngayon naman ay susubukan ang kanilang chemistry bilang magka-loveteam. Alam nating lahat na vocal na itong si Dennis sa kanyang relasyon kay Jennylyn Mercado habang malakas naman ang bali-balitang tuluyan na ngang nahulog si Carla kay Geoff Eigenmann.

Kung pagbabasehan ang kanilang mga larawan na magkasama, masasabi nating may potential talaga ang Dennis-Carla loveteam. Pareho naman silang paborito ng mga Kapuso viewers at pareho rin na hindi basta-basta ang pinanggalingan, huh! Ang nakikita lang naming na hamon sa dalawa ay kung mapapakilig nila nang bonggang-bongga ang fans. Tatanggapin kaya ng publiko ang kanilang pagsasama sa telebisyon?

Ngayong Linggo na mag-uumpisa ang Love Bug presents My Last Romance. May usap-usapan din na kung mag-klik daw ang nasabing episode, baka pagsamahin na sila ni Mother Lily sa isang movie.

Ano ang inyong masasabi sa bagong Kapuso tandem?

Comments? Questions? Suggestions? E-mail us at pinoyfansclub@gmail.com and visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

One thought on “Dennis Trillo at Carla Abellana in Love Bug

Leave a Reply

Your email address will not be published.