Dennis Rodman, suplado sa Pinoy fans?!

BASKETBALL SUPERSTAR Dennis Rodman is a snob.

Ito ang naging da-ting niya when he was spotted shopping at SM Harrison Plaza last Wednesday. Rodman is here for the exhibition games between NBA boxing legends and PBA superstars.

Naitsika sa amin na sobrang suplado itong si Dennis. Hindi siya amiable sa kanyang mga Pilipinong tagahanga.

Nang magtangka raw ang isang fan na kunan ng photo si Dennis ay kaagad itong sinaway ng kanyang bodyguard. Pinagsabihan itong hindi puwedeng kunan ng litrato ang basketball superstar. At lalong hindi puwedeng lumapit ang fans sa kanya.

Well, ayaw siguro ni Dennis na maistorbo sa kanyang pagsi-shopping.

Actually, around eleven in the morning pa lang daw ay nagpunta na si Dennis sa nasabing mall to shop. Bumili raw ito ng luggages at ilang T-shirts. May nagustuhan daw itong sapatos kaso ay walang size para sa kanya.

Rodman’s exact opposite is Snooky Serna who went to shop at People R People at the Robinson’s Place Manila noong araw ng presscon for Angelito: Bagong Yugto. 

Snooky bought a striped top and black shoes na isinuot nga niya sa media launch ng soap na pinagbibidahan ni JM de Guzman.

But unlike Rodman, Snooky was very amiable and machika to the other shoppers. Super chika siya sa mga mababait na staff ng boutique at ilang namimili. Hindi niya ipinakitang naiiba siya. Napaka-down to earth nga raw ng kanyang aura.

Balik sa pag-aartista si Snooky for Angelito: Bagong Yugto. As usual ay mother na naman ang kanyang role.

 

MASYADONG PHYSICAL ang taping ng Enchanted Garden lalo na para kay Alex Gonzaga na bawat oras yata ay inaapi ng character ni Gladys Reyes.

“Nagagalit si Direk Joel kapag hindi totoo ang sabunot. Nagagalit siya kapag hindi maganda ang sabunot ni Meg (character ni Gladys Reyes). So bumaba si Direk Joel sa OB Van, ipinakita niya kay Meg ang pagsabunot. Noong panahon na ‘yon ay jine-jetlag ako, nagising tuloy ako. Inaantok ako tapos sinabunutan ako ni Direk Joel,” kuwento ni Alex.

“Si Ate Gladys, wala namang instructions na sabunutan ako, sinabunutan at saka sinampal ako. Sabi niya, ‘pasensiya ka na, ha, Alex? Ayokong mapagalitan, eh, kaya binigay ko na’.”

Kilalang terror si Direk Joel Lamangan at gusto nito’y realistic ang bawat eksena.

“Ano pa lang, sigaw-sigaw pa lang niya (ang nakikita ko). Nakakatuwa siya. Right after naman ng tape, ang bait na niya. Ginagawa lang niya iyon sa ikagaganda ng eksena.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

13 thoughts on “Dennis Rodman, suplado sa Pinoy fans?!

  1. nagkamali lang kung makapanghusga kla kaagad parang perpekto ka. nag-aral ka ba? tingnan mo mga sinusulat nioya bago ka manghusga. baka di ka makapagsulat ng ingles dahil idiota ka!  sige nga, makipagsabayan ka na magsulat ng ingles

    • Ay isa ka pang tanga ka bat kami magsusulat ng ingles kung isang tulad mo lang ang magbabasa boba ka talaga. kasing boba ng idolo mong columnista.

  2. Ipinagmamalaki mo na may natapos kang four year course, Journalism major. fyi kailangan paulit-ulit mong sabihin yan sa mga tao. dahil kung ibabase sa pagmumukha mo sa picture na iyan sa article mo, mukhang kang katulong, boy, bugaw, o typical na parlorista na naghahanap ng maihahada na batang lalaki. Ang tanong ko lang kung may pinagaralan ka nga talaga, bakit hindi mo alam ang pinagkaiba ng boxing sa basketball? Bago ka magimbento ng isusulat mo siguraduhin mo tama ang mga pinagsasabi mo, kasi naipapakita mo lang ang katangahan mo. o kawalan ng credibelidad ng isinusullat mo.

  3. rodman is a HASBEEN. papansin lang ang hayup na yan at ganyan na sya dati…mga pinoy masyado lang kayong mahilig sumipsip ng batuta ng ibang lahi…

  4. Lumalabas pagka-engot talaga ni Alex Bayot….palibhasa paingles ingles pa di naman bagay. paparazzi ano ba naman yan. ganyang mga writer ba ang kinukuha nyo? kaya pala hanggang ngayon neverheard tabloid pa din kayo hahahahah

  5. Supladot gago yang si Rodman di dapat pinapansin yan… Totong laos na laos na yan.. dapat sa kanya magtinda na lang ng Lobo sa simbahan sa L.A.

  6. Laos na si Rodman dito. Madali siyang inayawan ng NBA dahil sa mga antics niya na nagbigay ng sunod sunod na sakit ng ulo sa coach ang team. He also has financial problems. Ubos na ang malaking milyones na kinita niya noon. Nilaspag na niya.

    • bat naman sa harrison plaza kaya nag-shopping? i really hope nakarating din sya sa mga ibang malls kasi baka sabihin nya ganon ang mga malls sa pinas, sad naman. last time i was in harrison, nagulat at naawa ako kasi nung college days ko (couple of centuries ago) e maganda pa ang harrison pero ngayon…..

      • ay, nakalimutan ko yung comment ko about rodman, lol. talagang ganyan sya kaya pwedeng ang headline nito ay “dennis rodman, suplado. ” period. kahit naman dito sa states when we used to watch him play live e ganyan sya sa court. so huwag tayo masyado magtampo, talaga lang sadyang ganyan sya. period. peace!

Leave a Reply

Your email address will not be published.