Dennis Padilla, may sama ng loob kay Willie Revillame?!

TRAILER PA LANG ng “I’ll Be There,” alam na alam mo na ang kuwento. Maliit pa lang si KC Concepcion ay ipinangako na sa kanya ng daddy niyang si Gabby Concepcion na walang iwanan o siya’y babalikan.

Pero dalaga na si KC nu’ng magkita uli sila, kaya may poot na sa dibdib ni KC sa ama. Parang gusto na lang niya itong singilin sa “’di pagpapakita” sa kanya nu’ng siya’y maliit pa hanggang sa siya’y lumalaki.

Tipikal na kuwento. Pero alam n’yo naman ang mga Pinoy, gusto pa ring maramdaman ang pelikula, kaya panonoorin ‘yan. Depende sa hagod ng kuwento at direksiyon.

Kung true to life ito?

Hango siguro.

AND SPEAKING OF Gabby Concepcion, ang lolo n’yo, kumo-concert na. Yes, may two-night concert si Gabby sa Music Museum come July 2 & 3 entitled “GABBYng K Ganda!”

Ba’t ‘yun ang title? Pa’no kasi, si Gabby ang main artist, ‘di ba? Tapos, ang mga guests niya: sina K Brosas at Vice Ganda.

Imadyinin n’yo kung ang mga guests ni Gabby ay sina LA Lopez at Jim Paredes?

Ano na ang magiging title no’n?

“Gabby Ng LA Jim”?

Ha-ha-ha!

AND SPEAKING OF Vice Ganda, super sold-out ang 3-night shows niya sa Dubai. Aba’y humihingi pa ng repeat sa amin ang producers, pero good luck sa hectic sked ni Vice, dahil kawawa naman ang bakla, hindi na yata natutulog.

Heto nga’t nagsimula na siya ng shooting para sa Petrang Kabayo at magpo-promote na siya ng Hating Kapatid kung saan major support siya nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo.

Meron din siyang gagawing isang pelikula sa Regal Films at excited ang bakla na mas gumawa ng pelikula kesa rumaket sa mga shows. Ha-ha-ha!

At ang latest: Meron siyang TV commercial na gagawin at ‘yan ang aabangan n’yo. Kaya nga si Vice ay sobrang hindi makapaniwala: “Ano na’ng nangyayari sa atin, mama?” Tawag niya sa amin.

“Totoo ba’ng lahat ito o panaginip lang?”

Picture lang ‘yan, Vice! Ha-ha-ha!

NANGHINAYANG SI DENNIS Padilla, dahil hindi nagtuluy-tuloy ang stint niya sa Wowowee. “Sayang nga, eh. Si Robin (Padilla) kasi, me gagawin, eh. Eh, co-terminus kami ni Robin. Ni-request lang naman ako ni Binoe, eh.”

Nagpaalam ba siya sa co-Hawi Boy niyang si Willie?

“Hindi naman. Ba’t naman ako magpapaalam kay Willie, eh, mga limang taon na yata kaming hindi nagkakausap. Saka kinuha lang naman akong guest doon, dapat ko pa bang ipaalam sa kanya ‘yon?”

INALOK SINA CESAR Montano at Aga Muhlach na mag-pinchhit for Willie, pero nag-beg-off sila, dahil nga kaibigan nila si Willie. That’s friendship.

Kahit kay Randy Santiago at John Estrada ialok ‘yan, hindi rin nila tatanggapin dahil kaibigan nila si Willie, eh.

At ang alam namin, si Randy ay nasa Channel 7 na at si John naman ay may mga shows na sa TV5.

Si Luis Manzano ang madalas naming mapanood sa Wowowee. At ‘pag Sabado, nakakalokah: tatlo ang shows ni Luis.  Wowowee, E Live! at Pilipinas Got Talent.

Ingatan at iwasan sana ni Luis ang “sawa factor.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

9 thoughts on “Dennis Padilla, may sama ng loob kay Willie Revillame?!

  1. purihin mo ng purihin si k brosas, wag ka ng magdamay bakla. alangan namang pareho sila, eh pokwang yung isa at k naman sya, tanga mo.

  2. korek ka dyan Ogie…nakakasawa na yang si Luis kasi sobrang mahilig sa attention…kundi nag papa show off ng abs eh nag papacute naman sa mga babae….ewwww !

    • lintek,,nababakla ka sa bading na yan…eh kung di pa kuno pa abs pa eh katulad ni acheng dee…tumitili rin yan sa gabi…ayayyayaaayyy..mga tita..appiirr!!

  3. Five years old na yun alitan nina Dennis at Willie, about sa pagkuha ng Ch5 noon kay Willie habang si Willie ang dahilan ng pagkawala ng trabaho ni Dennis from Magandang Tanghali Bayan. Nadawit din si Gretchen B noon kasi si TBC pa ang may ari ng ch5 noon. So nadamay tuloy ang hipag. Bakit daw kinuha nila yun taong naging dahilan ng pagka jobless ni Dennis P.

    Long, nonsensical story.
    Unfortunately, hanggang ngayon dala-dala pa nila.

  4. Oggie, pustahan, pag nag-hit ang pelikula na HK, ito ay dahil kay Vice, at hindi dahil dun sa dalawang actress na kasama niya, take mo?

      • In fairness to K Brosas, magaling rin naman siyang komedyante at gusto ko siyang magpatawa….:-)

      • K Brosas is BETTER than Pokwang.
        Her jokes are original, UNLIKE Pokwang na ang alam lang sabihin eh ”KOREK” at “Bonggang bongga!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.