Dennis Padilla, ipinakilala na ang bagong karelasyon

AT LAST, NAGKUWENTO na si Dennis Padilla tungkol sa kanyang bagong karelasyon ngayon na kamukha raw ni Marjorie Barretto. Mestisa kasi ang girl na nagngangalang Linda Gorton, isang half Australian-half Filipina. Dati ay mailap si Dennis kapag tungkol sa lovelife niya ang itinatanong sa kanya. Nagkakilala raw ang dalawa nu’ng minsang umuwi sa Pilipinas si Linda, nag-aaral pa ito sa ngayon. Twenty five years old lang daw ito, 49 na si Dennis.

Approve naman daw ang komedyante sa parents ng dalaga, ganoon din naman ito sa kanyang mga anak kay Marjorie. Nagkita na rin daw ang ex-wife niya at si Linda sa isang event. Wala naman daw tension na nangyari, nag-usap pa raw ang mga ito. Si Dennis daw ang sobrang na-tension.

Kung ito na ba ang babaeng pakakasalan niya? Sana raw dahil masaya siya rito at tumatanda na nga naman siya, sey ni Dennis. Masaya raw talaga siya sa ngayon sa kanyang lovelife. Aminado ang komedyante na naging malungkot ang buhay niya nang pumasok siya sa pulitika. Nawalan daw siya ng trabaho sa showbiz at tuluyan nang nawalan ng career.

Nabanggit din ni Dennis na okey ang relasyon nila ni Marjorie, pero hindi raw niya alam kung may boyfriend na rin ito.

JOHN PRATS AT RACHELLE ANN GO, SA SINGAPORE NAG-VALENTINE

Sa Singapore nag-Valentine si Rachelle Ann Go, pero instead of her boyfriend na si John Prats ang kanyang kasama, ang pamilya niya ang kasama niyang nagbakasyon doon.

“Nag-ikot-ikot, Universal, shopping, pictorial… everywhere. Madami kami, tatlong pamilya, actually. So masaya po. First time nga po naming mag-out of the country. Nakapag-bond kaming lahat,” kuwento ng singer.

Ang nakakatawa, nu’ng pauwi na raw sila ng Pilipinas, naiwan daw ng eroplanong sasakyan nila si Rachelle Ann!

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

One thought on “Dennis Padilla, ipinakilala na ang bagong karelasyon

  1. hay nako,,mas naaawa ako sa mga anak kapag ganitong scenario between separate couple,,gaya ni denis at marj,,yung bang,,ready to attack na naman,,to have a chlid at hiwalay na naman,,then,,hiwalay na naman,,etc,,hehehe,,nakakawalang respeto ,..nagbibilang,,at napagiiwanan mga anak,tsk,,hayzz,,,bakit di kase sinisigurado,,nagmamadali dahil masaya,,!tsk

    si rachel anne go din nakarami ng bf diba,,tuhog!hehe,,,gudluck,,buti di sila ni john mag kasama,,para mag isip ang mga kmakakating isip,,hehe,,,kapag ang isang couple lang ang magkasama sa out of the country,,heheheh,,pagbalik buntis iyan,,wahahahah

Leave a Reply

Your email address will not be published.