Dennis Padilla, gusto protektahan ang anak na si Julia Barretto

Dennis Padilla with daughter Julia Barretto

PINAGHANDAAN talaga ng komedyanteng si Dennis Padilla ang pagharap niya sa media sa nakaraang media conference para sa pelikula nilang “orig” na mga gamol na sina Andrew E. at Janno Gibbs na Sanggano, Sanggago’t Sangwapo na dinirek ni Al Tantay para sa Viva Films.

First time niya kasi makakaharap ang media after weeks ng “pag-iwas” mag-komento sa isyu na kinasasangkutan ng dalaga niya na si Julia Barretto at Gerald Anderson.

Nakatsika namin siya saglit sa harap ng venue bago siya pumasok sa mediacon area.

Straight to the point sabi niya sa amin : “Sigurado ako na may itatanong ka na personal sa akin…” na sinundan niya ng ngiti at tapik sa balikat ko.

Noong una, daming pasakalye at patawa ni Dennis sa unang tanong sa kanya tungkol sa Gerald-Julia issue. Idinaan niya sa biro na inayudahan naman nina Andrew E. at Janno. Naging comedy skit tuloy ang eksena bago nagseryoso si Dennis sa kanyang sagot sa tanong.

Nilinaw at inamin niya na nagtext siya kay Gerald para makausap niya. “Kasi nung lumabas yung issue, nag-text lang ako, ‘tapos tumawag siya (Gerald) at kinausap ko. Nakausap ko siya, ni-remind ko lang sa kanya, ‘Pare, anak ko ‘yan. So, siguro alam niya ang lalim noon, di ba, lalaki naman.”

Sa tsikahan with the comedian, inamin ni Dennis na naiintidihan niya ang sitwasyon ng binata.

Dennis Padilla, Janno Gibbs and Andrew E.

Sa katunayan ay may lumabas na tsika na may threat diumano siya sa aktor na pinasubalian ito ng komedyante.

“Ang akin lang, basta huwag maagrabyado yung anak ko. Kasi ang tingin ng tao sa kanya, e, playboy. Basta ang importante lang sa ‘kin, yung kapakanan ng aking anak.”

Word of advice ni Dennis kay Julia ay magpahinga muna sa social media dahil isa ito sa nagpapasama ng loob sa anak sa mga komento ng publiko, lalo na ng mga bashers. “Sabi ko, pahinga ka na muna sa social media. Mas maganda, magbakasyon ka na muna. Kung wala pa naman siyang shooting or hindi naman siya gaano busy, lumayo ka na muna sa social media. Antayin mo na lang mag-die down kung ano yung issue.”

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

One thought on “Dennis Padilla, gusto protektahan ang anak na si Julia Barretto

  1. Hindi ako fan ni Julia pero kaawa-awa ang sinapit nya. I’m not defending Julia because I don’t know her personally.
    Maaring meron may sala dito sa issue na ito pero who are we to judge?
    Hinusgahan si Julia dahil sa mga inconclusive na ebidensya laban sa kanya –>mga cropped photos na wala naman malisya pero ni-like lang ni bea kaya nabigyan ng meaning? That’s it? Maski sa barangay hall di papasaya ang mga proof na yan. Sumakay daw sa kotse ni Gerald at sabay umuwi, asan ang picture?
    Kumampi kay bea dahil sa sweet public image nya? Hindi tama dahil yung mga netizen sobra nang batos at grabe manghusga pero di naman kilala ang si bea, Gerald, at Julia. No one knows bea well than the people close to her. Hindi ko personally kilala si bea kaya di ko pwede sabihin na nagsasabi sya ng totoo. Ganun din ako kay Gerald at Julia, di ko sila kilala. Asan na ang pagpapatunay na totoo ang mga insinuations ng mga cryptic messages ni bea? Yung fan na nag-upload ng picture sino yun? Asan na sya, bakit bigla nawala? For all we know, it could be just a social bot engineered by bea’s team. Also, where are the testimonies of real people who could attest to the fact that Julia and Gerald are having an affair? I could go on and on about concrete evidence pero mga fans ni bea parang kulto ang mga katwiran. Mga di nag-iisip, puro emosyon dahil puro chismis sa kanto ang inaatupag. Isa lang ang totoo, kung private na tao si bea bakit di nya inayos privately? Bakit kelangan mag-insinuate na alam nya na magwawala mga fans nya at makakasakit ng ibang tao? I see that as manipulation. Pati lola ni Julia at nanay ni Gerald binabastos, tama ba yun? Natural lang na ipagtanggol ang mga mahal nila sa buhay. Eh kung sa kanila mangyari yun? Wag kayo mga self-righteous at sumamba sa isang tao na sikat lang. Ang pag-dump ni Gerald kay bea ay pangkaraniwan, nangyayari din yun sa maraming tao kaya magsi-tigil kayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.