Dennis Padilla, gusto nang sumuko sa petisyon ng mga anak?

Dennis-PadillaPAGKATAPOS NG presscon ng The Breakup Playlist na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual, saka lang nagkaroon ng pagkakataon ang mga press na kausapin si Dennis Padilla na kasama rin sa cast ng movie na idinirek ni Dan Villegas under Star Cinema tungkol sa pagpapalit ng apelyido ng anak na si Julia Barretto.

Umaasa pa rin si Dennis sa binitawan daw na salita ni Julia na iuurong nito ang petisyon sa korte para tanggalin ang pangalan niya sa pangalan ng young actress. Last April pa nagkausap ang mag-ama tungkol doon, pero hanggang ngayon ay wala pang natatanggap na abiso si Dennis sa korte, kaugnay ng withdrawal sa petisyon ng anak.

Ayon pa kay Dennis, hindi pa raw magawang asikasuhin ni Julia ang tungkol doon dahil sa super busy pa raw ang anak. Ang sabi raw sa kanya ni Julia, hindi pa raw nito nakakausap ang kanyang abogado tungkol doon. Pero sa tingin ni Dennis, magagawa raw ni Julia na kausapin ang kanilang abogado kung nanaisin lang nito.

Dahil ilang buwan na ang lumipas, iniisip tuloy ni Dennis na nagbago na ng desisyon si Julia. Nasa hustong gulang na kasi ang anak at magagawa na nito ang gustong gawin.

Dahil na rin sa sama ng loob, napaiyak si Dennis habang kausap ng ilang press dahil nakararamdam na siya ng pagod sa paghahabol sa mga anak. Maliban kasi kay Julia, may petisyon din ang isa sa mas bata niyang anak na si Claudia sa korte para tanggalin ang apelyido niya sa pangalan nito.

Sa August ang hearing nila at hindi alam ni Dennis kung ano ang mangyayari. Naiisip na lang daw niya na bawiin na lang ang petisyon niyang huwag katigan ng korte ang request ng mga anak para na lang manahimik na sila pare-pareho.

Masakit kasi sa isang ama na magpetisyon ang mga anak na hindi gamitin ang ‘yung apelyido dahil nangangahulugan lang nito na ayaw siyang kilalanin bilang ama ng mga anak.

Nararamdaman daw ni Dennis, sa puso niya na gusto ng mga anak niya na magkaroon sila ng komunikasyon at personal na makita siya ng mga anak. Ang ipinag-aalala lang nito ay ang magiging reaction ng kanilang ina. Hindi kasi kailanman nag-reach-out si Dennis kay Marjorie para ayusin ang gusot. Ang kanyang mga anak ang lagi niyang inaabot.

Panawagan ni Dennis kay Julia, sana raw kausapin na nito ang kanyang abogado na si Atty. Kapunan para iurong na nito ang kanyang petisyon sa korte.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Dennis Padilla, gusto nang sumuko sa petisyon ng mga anak?

  1. I agree angel 29, so Dennis let it go move on ka na wala kang mapapala dyan sa mga anak mo kay marjorie,kung mayaman ka sana Dennis hindi mo mararanasan yan sa mga anak mo kay Marjorie, sana lang huwag sumikat yan si Julia otherwise another gretchen in the making yan maldita anak mo

  2. kaya nga s kabastusan ng anak mo nc julia SAAN NGAYON C JULIA kumakain ng alikabok dahil milya milya n ang layo niya k Liza smantalang c julia p ang naunang magkaroon ng teleserye ngayo saan ciya? hayaan mo cy dennis kc ANG MGA GANYAN ANAK HINDI PINAG PAPALA YAN . anong pinag mamalaki n julia hindi naman cy sikat KUNDI MUKHA LANG ANG PINAGMAMALAKI NIYA, bk nga kong hindi ikaw dennis ang naging ama niya baka hindi maintindihan ang itsura ng face niya, tignan mo yon panganay nyang kapatid. WAG MAG INARTE ANG JULIA N YANG KC ang mga pinoy ayaw ng ganyan ugali. HAYAAN MO CL DENNIS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.