Dennis Padilla, ‘di dumadaan kay Marjorie Barretto ‘pag gustong kausapin ang anak na si Julia Barretto

Julia-Barretto-Dennis-PadillaNAKAUSAP DIN namin sa presscon ng Bride For Rent si Dennis Padilla na gumaganap bilang ama ni Kim sa istorya. Dito ay kinumusta namin ang aktor  kung nakapag-uusap na ba sila ni Marjorie Barretto, ina ng tatlo niyang anak, kung saan kabilang dito si Julia Baretto. Ayon kay Dennis, wala pa rin silang komunikasyon ni Marjorie at kung kinakausap niya ang mga anak tulad ni Julia ay diretso na lamang siya sa mga ito. Masaya at very proud sa magandang tinatakbo ng career ng anak, sa simula pa lang ay alam na ni Dennis na malayo talaga ang mararating ng anak sa showbizness dahil sa nakita niyang talento at husay nito. Hiningan din namin ng reaksyon una sa hiwalayang Raymart Santiago at Claudine Barretto kung saan minsan ay naging kapamilya niya na rin ang mga ito nu’ng sila pa ni Marjorie, nalulungkot sa paghihiwalay ng dalawa  na nauwi pa sa demandahan dahil tinuring niyang mga kaibigan at kapamilya ang dalawa. Pero tulad ng nangyari sa kanila ni Marjorie na pagkatapos ng 14 na taon ay nauwi rin sa hiwalayan, para kay Dennis, may mga bagay talaga na ‘di maiiwasang mangyari tulad nga ng naging sitwasyon nina Claudine at Raymart. Sa problema naman sa ngayon ng Pamilya Barretto, kung saan witness ngayon ni Raymart si Gretchen laban kay Claudine, ang payo ni Dennis sana ay ‘di na ito nailabas sa media, inayos na lamang nang pribado at humingi na lang ng tawad at dapat na humingi ng tawad dahil iisa pa rin namang pamilya ang mga Barretto. Hindi naman nakikitang apektado ang anak na si Julia sa mga nangyayari, ang payo sa anak ay magpokus na lang sa career at pag-aaral nito at alam na matalino ang anak at ‘di ito paaapekto sa anumang isyu ng pamilya.

Maiba Lang By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.