Dennis Padilla, aminadong ‘di sapat ang sustento sa mga anak kay Marjorie Barretto

NOONG NAKARAANG linggo naman, nakausap namin si Dennis Padilla na nagpo-promote naman ng pelikula nilang Raketeros. Agad naming tinanong kung gaano katotoo ang balita na sumama raw ang loob niya dahil hindi Padilla ang ginamit na scree name ng anak na Julia kundi Barretto.

Agad namang klinaro sa amin ng komedyante na wala siyang anumang sama ng loob sa nangyari dahil bukod sa screen name lang naman ito sa simula pa lang ng pagsabak ng anak sa pag-arte sa mga serye gaya ng Walang Kapalit, Kokey at Palos.

Ipinaliwanag din sa amin ni Dennis na kahit siya ay screen name lang naman niya ang Dennis Padila, kung saan ang tunay pala niyang pangalan ay Dennis Baldivia. Masaya para sa tagumpay ng anak, para kay Dennis nakikita niya na si Julia ang maaring sumunod sa yapak ng tita nitong si Claudine Barretto at Judy Ann Santos.

Tulad ng sinabi ng ex-wife na si Marjorie Barretto, kinumpirma rin sa amin ni Dennis na wala talaga silang komunikasyon ng dating asawa. Diresto na lang nagte-text sa mga anak o sa mga yaya ng mga ito, hindi rin niya sinusundo ang mga bata sa bahay nila kundi nagkikita na lang sila sa isang restaurant o pinupuntahan niya ang mga ito sa eskuwelahan.

Sa isyu naman na wala raw siyang sustento na binibigay sa mga anak nila ni Marjorie, binigyang-linaw sa amin ng komedyante na nagbibigay siya ng sustento sa mga ito, pero base lang ito sa kung magkano ba ang kinikita niya.

Ayon kay Dennis, kung naging milyonaryo siya kahit isang milyon ay maibibigay niya sa mga bata. Pero sa tulad niya na maaaring kumita lang ng isang daang libo kada buwan, wala namang matitira sa kanyang pang-ulam sa bahay at pang-gasolina ng kanyang saskayan kung lahat ng kinikita ay ibibigay sa mga anak nila ni Marjorie.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.