Dennis and Jennylyn: REUNITED

Sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang bagong bida sa Sinenovela presents Gumapang ka sa Lusak ng Kapuso Network. Kahit pa mas identified si Jennylyn kay Mark Herras, hindi ito ang kauna-unahang proyektong pagsasamahan nilang dalawa ni Dennis. Una na silang nagtambal noon sa Now and Forever presents Dangal, na ipinalabas more than three years ago.

Ngayon, pareho nang may mga anak at pananagutan sina Dennis at Jennylyn. Ibig sabihin nito, pareho na silang mas handa sa pagharap sa mga papel na mas matured kumpara sa mga nagawa na nila noon. Kung dati ay limitado ang kanilang mga love scenes, ngayon ay todo-bigay na at walang kiyeme na sila sa harap ng kamera.

Kung tutuusin, parehong dapat magpasalamat ang dalawang Kapuso stars natin. Pareho silang muntikan nang mawalan ng ningning sa showbiz dahil sa biglaang pagkakaroon ng anak. Naging malaking eskandalo rin sa showbiz noon ang ugnayan ni Dennis kina Carlene Aguilar (na ina ng kanyang anak na si Calix) at Cristine Reyes (na kailan lang pala sila nag-break). Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin naaayos ang gusot na namamagitan kina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, ang ama ng kanyang panganay na si Alex Jazz.

Buti na lang at hindi bumitiw ang mga fans nilang dalawa. Ngayon, pareho silang hindi nawawalan ng raket sa Siyete at sunud-sunod din ang mga singing and movie projects nila. Tanggapin naman kaya ng masa ang kanilang tambalan ngayon, o gagapang ba sila sa lusak?

Questions? Comments? Suggestions? E-mail us at pinoyfansclub@gmail.com or visit our site at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

11 thoughts on “Dennis and Jennylyn: REUNITED

  1. to KANGUSO= Gusto mo rin palang makita nang malakihan ang magandang larawan nang dalawa.Ayaw pang aminin na gusto mo si dennis.Inilihim pa ! Pwe!
    logic lang yan! kung ayaw mo sa dalawang ito eh di hwag kang magbasa, magkomento, manood, o tumingin sa larawan nila.Intyendes?! Eh naka pagpost ka-2 pa nga, mi INTERES ka rin! ibaon sa lupa yang di nagpapakatotoo! Pwe!

  2. kakatawa itong c KANGUSO at sa mga iba pang insecure sa dalawa.Ayaw mo pala sa dalawang ito ( jennylyn at dennis ) eh pero nagbabasa at nagkokomento pa.Bwahahaha! Asan ba ang utak mo inilagay? Kung ayaw mo ang isang artista,dapat hindi ka na nagbabasa 4ever nang mga articles tungkol sa kanila.Nagkokoment ka meaning binabasa mo ang tungkol d2.Napaka Bobo! tsk.tskt.tsk.

    • If you don’t have anything good to say, pls stop saying bad remarks toward others KANGUSO. Be nice to others. Love u Jen and Den! God Bless you!

Leave a Reply

Your email address will not be published.