Denise Laurel, Buntis?!

BLIND ITEM: KINAIINISAN ng mga kapitbahay sa condo building ang isang young star kung saan nakatira ito sa isang unit doon.

Naaasar sila rito, kasi, everytime makakasabay raw nila ito sa elevator, ramdam nilang parang ayaw nitong may iba pang nakasakay roon bukod sa kanya.

“Habang nasa elevator kami, kung tumingin ‘yan, mula ulo hanggang paa. Parang sinisino niya ‘yung tingin niya at may halong panglilibak, alam mo ‘yon?

“Parang diring-diri siya na may kasama siya sa elevator. Hindi lang ako maka-react kasi iniisip ko na lang, baka gano’n lang talaga ang hilatsa ng mukha niya sa personal.

“Pero ang arte talaga. ‘Kala ko nga, ako lang ang naka-notice, eh. Even the other unit owners, irita rin pala sa batang ‘yan. Pagka-arte-arte raw. Ayaw na madidikitan sa elevator!”

Sa totoo lang, in fairness, may advantage ang pagka-maarte ng batang ito sa kanyang career. ‘Yung kaartehan nito ang nakakatawa sa isang gag show.

At kahit nga kami, naaaliw sa kaartehan ng batang ito, kasi naman, talagang kahit ano yatang klaseng hayup ang ipahawak sa kanya, nandidiri rin siya.

Sa sobrang pandidiri, umiiyak na ang bagets na ito. Kaya feeling namin, naturalesa na ang kaartehan sa katawan ng batang ito.

Kaya sa mga unit owners, ‘wag n’yo na lang pansinin o kung malakas ang loob n’yo, pagsabihan n’yo na lang ang bagets para hindi na gano’n ang “trato” sa inyo next time ‘pag nagkakasabay kayo sa elevator.

Clue? Kapangalan niya ang isang newscaster. At ang kanyang apelyido ay karaniwan nang pangalan ng isang lalaki.

Kung hindi n’yo pa nahulaan ‘yan, nako, baka isplitan kayo ng dyowa n’yo.

WALANG PATID ANG tanong sa amin ng mga followers namin sa Twitter. Iisa nga lang ang tinutumbok ng kanilang tanong: Kung buntis ba talaga si Denise Laurel kaya ito nawala sa Martha Cecilia’s Kristine.

Honestly, hindi namin alam ang sagot dito. ‘Yan lang ngayon ang usap-usapan. Pero ang nakalap lang naming impormasyon ay may “attitude problem” din ito sa set ng “Kristine,” kaya nag-decide na rin daw ang management na tsugiin ito.

Totoo bang mula nu’ng pumirma ito ng kontrata sa naturang teleserye ay roon na nagsimula ang kaartehan ni Denise?

‘Yung pagpapaseksi ay ayaw na raw nitong gawin, hindi katulad nu’ng nag-uumpisa pa lang ang taping ay fight lang nang fight ang drama nito.

Tapos, later on, nag-iinarte na raw si Denise at ang inirarason ay baka magalit ang mommy niya ‘pag nagpaseksi.

Kung totoo man ito, sayang naman ‘yung nasimulan ni Denise, lalo pa’t ang dami nang tumatangkilik ng tambalan nila Rafael Rosell.

Sana, hindi ito totoo.

NATATANDAAN PA NAMIN. May isang batang iyak nang iyak sa amin noon, dahil hindi raw siya nakapasa sa first screening for Batch 5 ng Star Circle.

Habang umiiyak, sabi namin sa kanya, “’Wag kang mag-alala, baka me second screening pa, malay mo, ipatawag ka na, ‘di ba? Saka kung hindi iyo, hindi talaga iyo.”

Hanggang sa ibalita na niya sa amin na, “Gie, nakapasa ako sa second screening! Sana, tuluy-tuloy na ‘to!”

Obviously, nagtuloy-tuloy na nga at heto ngayon, sikat na sikat siya ngayon. Ang daming TV commercials. Kahit sinong leading lady, kaya niyang samahan nang walang nagagalit na fans ng loveteam-loveteam.

Tingnan mo nga naman, ano? Sino ang makapagsasabing ‘yung batang iyak nang iyak noon na feeling ay katapusan na ng kanyang mundo, heto’t 3-time Box-Office King ng Guillermo?

I’m so proud of him. Siya din ‘yung sa tuwing magkikita kami ay lagi niyang sinasabi, “Pag may kailangan ka, sabihin mo lang, ha?”

Kaya hindi kami puwedeng magka-amnesia ‘pag ang kanyang humble beginnings ang pinag-uusapan.

Ang dami na niyang intrigang pinagdaanan, pero walang keber ang mga tumatangkilik sa kanya, dahil you can never put a good man down, ‘ika nga.

Kaya tuluy-tuloy mo lang ‘yan, John Lloyd Cruz!

NGAYONG NOV. 27 na ang birthday show ni Ms. Marissa Sanchez entitled “Happy Breast Day, Marissa Sanchez!” sa Zirkoh Morato at 8:30pm.

Napanood na namin ang rehearsals ni Marissa at naaliw kami. At pihadong kahit ang producer nitong Philippine Foundation For Breast Care, Inc. ay matutuwa.

Nood kayo. Nag-enjoy na kayo, nakatulong pa kayong masuportahan ang pangangailangan ng mga kapos nating kababayang may breast cancer at mga survivors.

P1,000 at P600 ang ticket price. You may call 0922-8398877.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

27 thoughts on “Denise Laurel, Buntis?!

  1. NINA JOSE,,is the next jewel of abscbn,,tinatapos nya lang ang colege nya yata,,kaya di maka pag focus sa showbiz,,,we love her,,bagay sia ni JON AVILA,WILL DEVAUGHN,,EJ FALCON,,IVAN DORSCHER,,na sabi baka gawin nya ang PASSION DE AMOR soon…

  2. we love NINA JOSE,,.sya ang susunod na bet ko sa stardom,,revelation ang pag arte nya sa MMK,,siya ang may star apil na dapat alagaan ng 2,,diba,,,maging sina MELISA RICKS,,STEF PRESCOTT,JACKIE RICE,SAM PINTO,GWEN ZAMORA,JEF GAITAN,ELEN ADARNA,MAXENE MAGALONA,RHIAN RAMOS,NADINE SAMONTE,JESY MENDIOLA,KAYE ABAD,DES DEL VALE,MAGIE WILSON,PRINCESS SNELL,DIANA ZUBIRI,FRANCINE PRIETO,CARLA ABELLANA,ROXANNE GUINOO,ANGELIKA DELA CRUZ,TANYA GARCIA,MAJA SALVADOR,JOYCE JIMENEZ,BIANCA KING,KAREL MARQUEZ,KELY MISA,SHEREE,JC PARKER,JULIANA PALERMO,PAULIN LUNA,IYA VILANIA,etc,..just work decently at profesionaly naman,,

  3. tama si denise,,bata pa sya para paexploit ng ganyan ganyan,,di naman ibig sabihin e maarte o diva divahan sya,,natural lang po,,,iba iba ang tao,,trabaho lang para kay denise ang showbiz di nya kelangan magpakasira ng ganyan..di nya din hangad maging sikat tlaga,..o pahubarin nyo sya,,parang si KRISTIN HERMOSA,,BEA ALONSO,ALICE DIXON,,NADINE SAMONTE..,kaya ang taas ng respeto ng tao sakanila…

  4. ayon sa manager ni denis,,HINDI PO DAW BUNTIS SI DENISE,,,so,lets see,..kase kilala kong maayos at decent na babae si denise na galing sa magandang family,,bakit!!..isa pa,di rin say inalis sa KRISTINE,,mag rereformat yata ang show na ito at si NINA JOSE,,ROXANE GUINOO ang ilalagay at kasama padin si RAFAEL ROSEL,,sa totoo lang walang ganung kalakas star apil si denise,,mas madaming higit na maganda sa kanya,,but we love her personality,,isa pa,,,sa totoo lang may values si dnise,,natural lang na tanggihan nya ang mga eksenang di pa dapat sa edad nya,,hello!!bata pa sya,,at di nya kayang pagamit o paexploit ng ganyan ganyan,,,trabaho lang ang showbiz kay denise knows her limitasyon na hindi sya nasisira bilang tao at babae,,ok,,,sana na hindi sya buntis,,,diba,,sayang,,ang bata pa nya,,ok lang mainlove naman pero dapat may pagpipigil sa sarili at limitasyon,,

  5. This lady has one of the freshest face in showbiz!!! galing-galing sya umarte and kumanta. At tama naman sya may prinsipio at mukang she will fight for it. Bihira ito sa showbiz at yes si christine naman talaga ang porn star so why does abs like all their stars to be like christine reyes peace to the fans. walang kwenta!!!

  6. Walang dapat ipaginarte tong hitad na pokpok na to. Pakantot at Pabooking tong malditang umbaw na itey! Kwidaw kayo mga kafatid dahil kahit mga kafitbahay netong bilat na ito ay kinakatalo IF THE PRICE IS RIGHT!

  7. si nina jose nga! uber sa arte yang batang yan! maganda naman talaga sya, nakakairita lang yun bang talagang feel na feel nya ang kagandahan!
    pansin nyo ba sa ilang epi ng banana split, minsan parang naaasar rin sa kanya si angelica esp sa last segment ng show (yung guessing game). pano kasi pag isa sya sa mapaparusahan, nagiinarte! tapos pag natapos na parusahan, nagpapa cute ang mukha na nagpapa-awa! minsan, iiyak pa!
    susmiyo! kaya forever kang starlet, nina!

  8. denise already did sex scenes before BQ starts aired. Bakit nman nagiinarte pa gawin ung scene na kailangan para tumaas ang rating ng ks.

    • to that ogie yes she did the scenes but maybe she has been asked to do more who are you to say that?are you part of the script writers pool? have you read kung anong pinagagawa sa kanya? i bet you hindi!!! ang laki-laki ng bunganga mo kaya pala pinanganak ka etchoserang palakang chismoso!!!! Thats all you know what to do write about others why dont you write about yourself you stinking foul-mouth frog!!!

      • and look whos talking! Kala mo ata di masangsang yang bunganga mo. Naku teh, u dont get d point. The fact that she did it already and why cant she do it again. Sabihin lumaki na tlaga ulo ng girlalu na yan or shall i say tiyan?haha its for you to find out kung tlagang pregy cya o hindi…

  9. ang producers ng ks ang nagpapanic sa BQ ng gma kaya they needed to put in more sex scenes to beat the ratings at Ms.Denises’ expense. Tama ba yon? Nakakahiya and Abs-cbn no moral responsibility, mga walang puso, Abs should protect their own stars instead sila mismo ang tumitira at sinisiraan and sariling pool of talents. nakakahiya kayo!!!!

    • Haler! kanino mo naman nasagap ang balitang kutserong yan? Hindi na kailangan ng ABS na lagyan ng seksi scenes ang mga soaps nila dahil magaganda naman ang kanilang mga shows . Basta ako, be it GMA or ABS-CBN shows, if they’re worth watching ay dun ko nililipat ang channel. I’m a Kapamilya and i watch most of their primetime shows but Kokey. SA GMA naman, ang gustong-gusto kong panoorin ay ang Imbestigador at 24 Oras and record them when i am unable to watch them. Hindi na dapat kailangan pag-awayan ang walang kakwenta-kwentang bagay. “-)

  10. Si Denise has no attitude problem! ang kamaganak ko ay isa sa utility sa ks set at ang sabi ay napakasweet at maasikaso sya pati sa mga utility. Totoo yun na ayaw nya magpagamit na magpaseksi para lang umangat ang ratings hindi siya seksi star si Kristine ang porn star at di sya nagpanic ang ks kasi ipapalabas na ang Beauty Queen at kailangan daw itaas and ratings at yun nga kahit di kailangan ng mga sex scenes ipinalalagay nila. yung ep daw nila ay threatened her that tatangalin siya kung di sya susonud.Kaya good girl Denise dont let them dumbos get you down!!!! makarma sana kayong lahat lalo na ikaw ogie!!! ikaw ang masama ang ugali!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.