Deniece, nagpiyansa para ‘di maaresto Hot Topic

Denise-CornejoNAGPIYANSA SI Deniece Cornejo para sa kasong grave coercion na isinampa ni Vhong Navarro laban sa kanya kaugnay ng pambubugbog sa comedian-TV host ng grupo nina Deniece at Cedric Lee.

Sa report, nagpunta si Deniece sa Taguig Metropolitan Trial Court kahapon ng umaga, April 16, para bayaran ang piyansang P12,000.

Biyernes, April 11, nang mag-isyu ang Taguig MTC ng warrant of arrest para sa kasong grave coercion na kinahaharap ng grupo nina Deniece at Cedric.

Kabilang sa mga ipinaaaesto sina Bernice Lee, Simeon “Zimmer” Raz Jr., Sahed “Jed” Fernandez Abuhijleh, “Jose Paolo “JP” Calma, at Ferdinand Guerrero.

Lunes naman nang magtungo si Jed sa Taguig MTC upang magbayad ng piyansa bago pa siya mahainan ng warrant of arrest.

Maliban kina Deniece at Jed, hindi pa nakakapagpiyansa ang iba pang respondents sa kasong grave coercion na isinampa ni Vhong.

Inutos ni DOJ Secretary Leila De Lima kahapon na arestuhin na sina Cedric, Bernice, Zimmer, Jed,  JP, at Ferdinand.

 

By Parazzi Reportorial Team

loading...

3 thoughts on “Deniece, nagpiyansa para ‘di maaresto Hot Topic

  1. Sabi ng lola nito, conservative raw itong si Deniece, ahahahahahahahaha. O ayan, kakanta na raw ang isa sa member ng mauling incident, nandun ngayon sa artikulo sa pep. Hala kayong lahat, magtago na kayo sa skirt ng lola ni deniece dahil, malapit na ahahahahahaha…… Let’s hope na walang fans si vong sa loob ng silya dahil pag may fans ito, lagot itong si Deniece ahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.