Deniece Cornejo, nakaaaliw na nakababaliw sa interbyu

3 Denice-CornejoNAALIW ANG staff ng programang “Startalk” ng GMA-7, dahil nu’ng Sunday, February 2 na maaga kaming tumambay sa kanilang studio, pinag-uusapan nang napakaaga raw dumating ng kontrobersiyal na si Deniece Cornejo, kasama ang kanyang abogado.

Pagkatapos daw mag-lunch sa studio, pumasok na kaagad sina Deniece at ang kanyang abogado sa dressing room, kaya maraming tao sa studio ang pasilip-silip sa pintuan ng kanyang dressing room para sana magpa-picture.

Maganda ang mukha ni Deniece at fresh talaga ang dating, kahit pa nga kalat na kalat ang intrigang ilang bases na siyang nagparetoke kaya hataw na siya sa ganda. Habang ipinakikita ng programa ang patikim sa pagpapakita ng kanyang hitsura, na naroon nga siya sa dressing room at live na magsasalita, marami ang humahanga sa kanyang ganda. Kahawig daw ni Deniece sina Niña Jose at Kris Bernal.

Nu’ng sumalang na siya sa stage para sa interbyu nina Heart Evangelista at Butch Francisco, umaapaw talaga ang tapang ng kanyang loob sa pagsasalita.

Nu’ng mga unang parte ng interbyu kay Deniece, nakakaaliw siyang panoorin. Dahil bukod sa tapang ng kanyang loob, parang timplado rin ang kanyang mga salita. Kaya lang, maging si Heart ay halatang nagulat nu’ng sa mga sumunod na pagsasalita ni Deniece habang siya ay umiiyak na, agaw-eksena ang walang katapusang pagkumpas ng mga kamay ni Deniece na para siyang preacher habang nagbibigay siya ng mensahe para sa kay Vhong Navarro na tinatawag niyang kuya.

Next time na magpainterbyu siya sa TV, huwag sanang malikot na nagkukukumpas ang kanyang kamay, huh?

 

TANGGAP NAMAN ni LJ Reyes na mas big star kumpara sa kanya ang ama ng kanilang anak na si Paulo Avelino. At kapag umiinit ang isyu tungkol sa kanilang dalawa, baka mapagkamalan lang siyang nagpapapansin at nanggugulo para makasira sa gumandang career ng guwapong actor. Kaya naman mas pinipili na lang niya ang laging manahimik para huwag na lang pagsimulan pa ng mga bagong intriga ang mga pupuwede niyang sabihin.

Mas nakatutok si LJ sa pagpapalaki ng kanyang anak. Gusto niyang lumaki ang anak nila ni Paulo, na kahit nangyayari na nagkakaroon sila ng hidwaan ng actor, hindi maaapektuhan ang bata hanggang sa magbinata iyon. Mahalaga kay LJ ang katahimikan, dahil hindi naman siya pinalaking iskandalosa ng kanyang mga magulang. Hindi pabor si LJ sa mga nagkakaproblemang relasyon, na dinadaan sa interbyu ang pagpaparatingan ng mga mensaheng puwede namang sila na lang dalawa ni Paulo ang mag-usap.

Maganda’t seksi pa rin hanggang ngayon si LJ kahit mayroon na siyang anak. Mukha pa rin siyang bagets, dahil ayaw raw niyang mabuhay sa araw-araw nang maraming pinoproblema. Napapansin din na sa bakuran ng GMA-7 ay nagiging epektibo siyang kontrabida, una ay sa Time Of My Life at sumunod ay sa Prinsesa Ng Buhay Ko na parehong pinagbidahan ni Kris Bernal. Okey lang naman daw sa kanyang maging kontrabida kung doon siya napapansin ng mga tao.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Deniece Cornejo, nakaaaliw na nakababaliw sa interbyu

Leave a Reply

Your email address will not be published.