Deniece Cornejo, lalong naging nega

Denice-CornejoLALONG NAGING nega si Deniece Cornejo pagkatapos niyang mag-guest sa Startalk nu’ng nakaraang Linggo.

Kalat na kalat sa Internet ang segment niyang ‘yun at kung anu-anong panlalait ang inabot niya.

Hindi niya nakuha ang simpatiya ng mga tao, kaya lalong dumami pa nga ang naniwala at nakipagsimpatiya kay Vhong.

Sabi raw ng kampo ni Deniece, hindi lang talaga sanay ang dalaga sa interviews at first time nangyari ito na sa kanya nakatutok ang sambayanan. Kaya tuloy kung anu-ano ang mga nasabi.

Ang sa akin lang naman, kahit first time o kahit saan ka ilagay, basta kung nagsasabi ka ng totoo, wala kang dapat ikatakot.

Sana nga lumabas na lang talaga ang buong katotohanan.
Pero sa totoo lang, mas dumami pa nga yata ang nagkainteres na kuning artista si Deniece, ha? Pero sabi ng lolo niyang si Mr. Rod Cornejo, ayaw raw talaga nitong mag-artista.

Abangan n’yo naman sa Linggo ang panayam namin kay Vhong. Naku! Puntahan ko talaga siya sa hospital para ma-interview na namin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Deniece Cornejo, lalong naging nega

  1. NAkakilala ng foreigner sa isang night club, ngayon, rent free na siya sa condo ng Malaysian. Ano ang kabayaran, Deniece ? free services ? Pati si lolo Rod, tahimik bigla. Alam mo ba ang pinaggagagawa ng grand niece mo ? Baka naman kasabwat itong si Rod.

Leave a Reply

Your email address will not be published.