Deniece Cornejo, ‘di nakumbinsi ang mga staff ng showbiz talk show

1 Denice-CornejoJUICE KO, ilang staff ng Startalk ang nakausap namin at wala raw ni isa sa kanila ang napaniwala ni Deniece Cornejo sa mga naging pahayag nito sa interview nina Butch Francisco at Heart Evangelista.

 

Actually, kahit kami na sa youtube na lamang namin napanood, hindi rin nakumbinsi ni Deniece kahit pa isang tabo pa ng luha ang ibinuhos niya, dahil hindi naman niya sinasagot nang maayos ang bawat tanong sa kanya. Kaya siguro tinapos na rin ng dalawang hosts ang pag-iinterbyu sa kanya. Sayang na kasi ang oras.

 

Umani na naman ng mga pang-ookray mula sa mga netizens ang mga pahayag ni Deniece at ni wala yata kaming nabasa ni isang nagtanggol sa nag-aakusa ng rape kay Vhong Navarro.

 

Juice ko naman kasi, kitang-kita naman sa CCTV footages na hindi siya ni-rape, pero iba ang claim niya.

 

At utang na loob, tigilan na ang kaku-Kuya Vhong niya, dahil mas nahahalata ang kanyang kaplastikan sa pagsagot.

 

Saka ‘yung “I was still pray for Kuya Vhong” na labis na ikinasakit ng dulo ng bangs ko.

 

Sana, magsabi na lang siya nang totoo, kesa naman inookray-okray siya ng netizens. Ay, oo nga pala, may isang nagsabi ng, “I chose to believe her!” at ‘yon ay ang lolo niyang si Rod Cornejo.

 

Hashtag alam na.

 

 

SINIBAK NA sa puwesto ang mga pulis na naka-duty nang ipa-blotter si Vhong Navarro sa SPD. 

 

Samantala, napasok na rin ng NBI ang condo ni Deniece Cornejo sa The Fort matapos ang ilang beses na pagtanggi na mabuksan ang crime scene.
Ayon sa isang NBI agent, this time ay hindi na sila nahirapang pasukin ang condo unit ni Cornejo, basta nagdala lang daw sila ng foods.

Charot lang.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

 

loading...

3 thoughts on “Deniece Cornejo, ‘di nakumbinsi ang mga staff ng showbiz talk show

  1. Hahaha! Nadamay tuloy si Heart, napagmukhang tanga rin ni Deniece eh hahaha! Bet ko sinabi ni Lolit Solis: baka kung ako ang nag interview nun baka kung nau-ano nlng ang itatanong ko sa kanya. Napag-aralan na niya ang mga katanungan eh, pero di pa rin pulido ang sagot.

Leave a Reply

Your email address will not be published.