Deniece at Cedric, ‘idiniin’ ang mga sarili

SOBRA ANG galit ng kampo ni Vhong Navarro sa naging ‘bersyon’ ng salaysay ni Cedric Lee na hindi extortion at pamba-blackmail ang hinihingi nilang pera na milyong piso.

Ayon kay Atty. Alma Mallonga, isa sa abogada ng TV host/actor, nabugbog na nga nang husto ang kanyang kliyente ay kung bakit siya pa ang pinagbabayad.

Kung meron mang nasira umano na appliances sa condo unit ni Deniece Cornejo, pati na ang TV ay duda siya na aabot ito ng isang milyon.

Pahayag pa ng abogada na kung may nasira man sa lugar ito ay dahil sa pinagtulung-tulungan ang kanyang kliyente.

Nagpapakita lamang ito na pawang kasinungalingan daw ang pinagsasabi ni Lee.

Naghamon din ang legal counsel ng aktor kay Cornejo na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Navarro.

Ayon sa abogada, hindi sila natatakot kaya kung balak magsampa umano nina Cornejo ng kaso ay dapat mag-under oath siya o panumpaan ang kanyang kuwento.

Kumpiyansang sinabi ni Mallonga na may hawak silang matitibay na ebidensiya kabilang na ang CCTV footage na malinaw umanong kokontra sa bersyon na ipinangangalandakan ng dalawa.

Natutuwa rin daw siya at lumabas sina Deniece at Cedric at marinig ang kani-lang salaysay.

Pero lalo lamang daw madidiin ang mga ito sa kanilang inihayag.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.