Dengue sa Caloocan, pinangangambahan

PATULOY ANG PAGTAAS ng antas ng mga magiging biktima ng Dengue sa buong kapuluan kung saan ay pinag-iingat ng Caloocan City Health Office ang mga residente ng lungsod upang makaligtas sa kagat ng lamok na nagdadala ng sakit na ito.

Kasabay nito, nagsagawa ang nasabing departamento ng lokal na pamahalaan maging ang mga barangay health workers sa pamamagitan ng pabibigay ng “information dissemination” sa buong lungsod kung paano makaiiwas sa sakit na Dengue.

Patuloy na mino-monitor ng city health department ang lahat ng pagamutan sa buong siyudad upang agad na maagapan ng mga residente ng magkaroon ng naturang nakamamatay na sakit.

Nakipag-ugnayan na rin ang mga barangay officials upang obligahin ang kanilang nasasa-kupan na maglinis ng kapaligiran partikular ang pagtatanggal ng mga bara sa kanal at estero na siyang pinamamahayan ng mga lamok bukod pa sa pagtatakip sa mga pinaglalagyan ng tubig.

Inobliga rin ang mga barangay officials na isa-isang tanggalin ang mga gulong ng sasakyan sa kanilang nasasakupang lugar maging ang mga flower vase ay ipinapayo ring palitan ng tubig araw-araw nang sa gayon ay hindi mapagbahayan ng mga lamok.

Dagdag pa ng city health office, patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng iba’t ibang programa upang tuluyang mapuksa ang mga lamok kabilang na rito ang paglalagay ng isang uri ng likido na kahit na matuyo ay maaari pa ring makapatay sa nasabing insekto.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Dengue sa Caloocan, pinangangambahan

Leave a Reply

Your email address will not be published.