Dengue cases sa Malabon, tumaas ng 90%

TUMAAS NG 90% ngayong taon ang nagkaroon ng sakit na Dengue sa Malabon City kumpara noong nakalipas na 2010, inihayag kahapon ni Epidemiologist Dr. Billy Goco.

Sa record ni Dr. Goco, umabot sa 432 ang nagka-Dengue simula nitong Enero 1 hanggang Hulyo 31, 2011 at tumaas pa sa bilang na 491 ngayong Agosto 6, 2011.

Mas mababa naman ang percentage ng nasawi sa Dengue na umabot lang sa 0.4%, kumpara sa 1.8% noong 2010.

Kinumpirma naman ni Dr. Goco na dalawa ang iniulat na namatay sa Dengue sa Malabon City, pero aniya hindi ito ipinagbigay-alam sa City Health Office.

Sinabi ni Dr. Goco, may kabuuang 259 ang nagka-Dengue noong 2010 at hinihinalang ang maagang tag-ulan ang naging sanhi nito.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng “Dengue Brigade” ang city health office sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Ito ay binubuo ng mga magulang, guro, mag-aaral, barangay health workers na siyang magmo-monitor ng Dengue.

Patuloy rin ang pagsasagawa sa 21 barangay sa Malabon, para sa proper information and dissemination campaign para maiwasan ang Dengue.

Ipinaliwanag ni Dr. Goco na ang Aedes Aegypti ay ang mga lamok na nabubuhay sa maruming tubig tulad ng tubig-baha, habang ang Aedes Albopictus ang mga lamok na nabubuhay sa malilinis na tubig gaya ng tubig-ulan at siyang may dala ng sakit na Dengue.

Ipinayo ni Dr. Goco na alisin kaagad ang mga tubig-ulan na naimbak sa gutter, gulong, lata at plorera na siyang madalas pamugaran ng Aedes Albopictus.           (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.