Dengue Alert Website, Inilunsad ng DOST

LAYUNIN NA makapagbigay ng tamang impormasyon ukol sa sakit na Dengue at nang tuluyang masugpo ang pananalasa nito lalo ngayong sumasapit ang tag-ulan, ang pangunahing dahilan ng ginanap na paglulunsad ng Department of Science and Technology sa isang website.

Sa pangunguna ng mga sangay ng Kagawaran ng Agham gaya ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD), Industrial Technology Development institute (ITDI) at DOST-National Capital Region (NCR) na siyang nagtulungan upang buuhin ang http://oltrap.pchrd.dost.gov.ph, kaballikat nila ang dalawa pang kagawaran ng pamahalaan.

Masigasig ding kapa-nalig tungo sa paglaban ng Dengue ang Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) at ang pamahalaang lokal. Kasama sa paglulunsad ng site ay ang pamimihay ng mga babasahin at ng ovicidal-larvicidal traps sa ilang piling paaralan.

Sinasabing mababawasan ng OL trap ang populasyon ng lamok na may dalang Dengue virus at ang kanilang teknolohiya ay bahagi lamang ng maraming paraan ng kagawaran ng agham upang sugpuin ang nasabing sakit.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Dr. Tess Fortuna ng DOST-NCR, Dr. Jaime Montoya ng PCHRD-DOST, Dr. Nuna Almanzor ng ITDI-DOST kasama ang mga representante ni Dr. Enrique Ona ng DOH at Bro. Armin Luistro ng DepEd.

“Ngayon, ang mga ahensya ng pamahalaan ay nagtutulungan upang ang mga suliraning gaya ng Dengue ay mabigyan ng solusyon,” pahayag ni DOST Sec. Mario G. Montejo.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.