DEMOTED? Serye ni Angel Locsin na The General’s Daughter, pang-hapon lang?!

Angel Locsin

TATLONG LINGGO na lang mapapanood ang seryeng The Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales. Grabe rin ang effort ng dalaga sa pagganap sa tatlong katauhan na may iba’t ibang looks at mannerisms. Hindi biro ang challenge na in-accept ng dalaga. Sakto rin na makakapag-concentrate ito sa promotion ng kanyang action film na “We Will Not Die Tonight”, na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ngayon na nalalapit na ang pagwawakas ng The Blood Sisters, totoo ba na ang papalit dito ay ang inaabangan ng madlang pipol na The General’s Daughter, na supposedly ay big comeback ni Angel Locsin sa teleserye world?

Angel Locsin

Nakakaloka ang balitang ito dahil lalabas na parang ‘na-demote’ ang programa ni Angel Locsin. Oo nga at naging successful ang Wildflower ni Maja Salvador na grabe rin ang naging epekto sa manonood at hindi rin naman papatalo ang ongoing na The Blood Sisters ni Erich, but we all know na Angel Locsin deserves a primetime spot!

Idagdag pa na ang bigatin na female actresses ang kasama sa serye like Maricel Soriano, Eula Valdez, Janice de Belen at ang bagong-lipat from GMA-7 na si Ryza Cenon, na napansin ang galing dahil sa effective portrayal niya bilang eskandalosang kabit na si Georgia sa Ika-6 na Utos.

All the big and promising names para lang sa panghapon? ABS-CBN, linawin niyo ‘to , huh!

Related Post

loading...

3 thoughts on “DEMOTED? Serye ni Angel Locsin na The General’s Daughter, pang-hapon lang?!

  1. ang bobo ng writer. malamang di pa ipalalabas ang The General’s Daughter dahil wala pa ni trailer o teaser. Meteor Garden and Halik ang may trailer na, so it’s between the two shows ang papalit sa The Blood Sisters. Gawa gawa din kasi ng isyu. Wag puro Wikipedia ang gawing source. Mag interview ka rin sa mga artista.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.