Demolition job langP50-M Retirement Pay, Itinanggi ni Corona

ITINANGGI NI dating Chief Justice Renato Corona ang balitang humihirit siya ng P50 milyong retirement pay.

Pinabulaanan ng da-ting punong mahistrado ang pagkwestyon ng grupong Former Senior Government Officials (FSGO) sa umano’y hinihingi niyang benepisyo.

Inupakan pa ng FSGO ang basehan sa nasabing hirit lalo’t pinatalsik at hindi nag-retire ang dating punong mahistrado.

Sagot naman ni Corona sa naturang akusasyon, “Not true, absolutely. I don’t know of anybody in the government who ever got that kind of retirement pay. Another demolition job obviously.”

“Where did they get that news? It’s a malicious lie.” Iginiit pa ng dating punong mahistrado sa FSGO.

Matatandaang Mayo 29 nang hatulang guilty si Corona ng Senate impeachment court.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.