Demolisyon sa Taguig, Nauwi sa Batuhan

BINALOT NG tensyon ang nangyaring demolisyon sa Consular Area, Fort Bonifacio, Taguig City kahapon.

Sinalubong ng mga residente ng mga bato ang demolition team na pumasok sa kanilang nasasakupan.

Pero nang makapasok na ang mga kinauukulan, umatras na rin ang mga nagbarikadang residente at kusang hinakot ang kani-lang mga gamit.

Tinatayang nasa 96 na kabahayan ang giniba sa nasabing lugar.

Samantala, isa namang residente ang nawalan ng malay sa kasagsagan ng batuhan, pero naging kalmado rin ang sitwasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.