Demanda ni Yasmien kontra Baron, promo gimik lang?!

ANO BA NAMAN ‘yan, Yasmien Kurdi?! Masyado ka nang nasasanay sa pakiramdam mo na payat ka, samantalang kelan lang naman ‘yan? Malaki pa rin ang braso mo sa telebisyon, at dahil diyan, ‘wag kang masyadong umaarteng maganda ka. Sandali, bakit nga ba umabot pa ng dalawang araw bago ka nagsumbong sa kinauukulan tungkol sa ginawa sa iyo ni Baron? Ano ‘yun? Sabaw na ba’ng utak mo sa pagkawala ng kolesterol at taba kaya hindi mo naisip na nababastos ka na pala? Baka naman kasi naisip mo na puwedeng gawing publicity ‘yan para sa iyo. Makukuha mo nga naman ang simpatiya ng lahat ng tao pero sa totoo lang wala naman talaga akong masyadong masasabi sa iyo, kasi hindi ka naman talaga dapat pinapansin. Gusto mo lang talagang makiagaw sa atensiyon na natatamo ng mga kaibigan mong sina Jennylyn at Katrina.

Ikaw naman Baron Geisler, hindi pa nga natatapos ‘yung kaso mo sa anak nina Yayo Aguila at William Martinez, heto ka na naman at gumawa ng bagong problema, sangkot naman si Yasmien.

Sigurado ka ba talaga na si Yasmien? Mamimili ka rin lang ng babae, sana ‘yung mala-modelo na – maganda ang hubog ng katawan, matangkad, makinis at maputi. Ano na nga ba ang nangyari sa panlasa mo sa babae? Bangag na talaga? Naiintindihan ko na kung paano mo nasisikmura ang mga iyon, dahil kahit sinong lalaki, mangangailangan talaga ng matindi at marami-raming baso ng alkohol bago pumatol sa mga ganu’ng matatabang tipo ng babae.

Hoy, Baron, isang salita lang ang katapat mo: DISIPLINA.

Hindi ka na talaga tinatablan ng rehabilitation, kaya dapat na mga taga-MMDA na ang magmando ng wasak na buhay mo. Alam mo na, nagbabakasakali na umayos ang landas mo. Hindi ko sasabihin na itigil mo na ‘yang bisyo mo dahil malamang, manhid ka na dulot ng tama ng bato at sipa ng alak. Ang akin lang, magaling ka namang artista. Nanalo ka pa nga ng mga acting awards, ‘di ba? Bakit kaya hindi ka na lang umarteng normal? Hindi naman kasi ibig sabihin na nagpapakatotoo ka, ipapakita mo na ang lahat ng katarantaduhan mo sa buhay. At aasahan mo na tatanggapin ka pa rin ng tao kahit ganyan ka? Malaking pagkakamali mo lang talaga ‘yung pumasok ka sa Pinoy Big Brother dahil wala ka namang napala, lalo ka lang nasira. Ang Dos? May ratings. Ikaw? Walang savings.

Baron, artista ka at parte ng pagiging artista ang manmanan ang bawat kilos mo para gawing isyu at panlaban sa iyo. Sa kasawiang palad, bulok ang lahat ng istilong maiisip mo para malusutan ang problemang ito. May nalalaman ka pang kontra-demanda laban sa abogado ng kabilang kampo. Hindi mo ba naisip, sinong matino ang maniniwala sa taong kagaya mo na naubos na ang kredibilidad sa alak? Oo, nanay mo.

Pasalamat ka nga, pinagtiyagaan ka ng Siyete, kasi alam nila na bano ang ilan nilang talents. Kailangan ka ng Siyete, pero ano’ng ginawa mo? Sinayang mo. Nagkalat ka pa sa mismong set ng taping para sa bago n’yong serye. Wala ka na bang ibang alam na gawin para mabigyan naman ng pansin ‘yang bagong palabas mo? Kung sabagay, hindi na akma sa iyo ang sumayaw-sayaw at kumanta-kanta sa variety shows. Naiintindihan ko na kung bakit sa mga ganyang klase ka ng isyu nabubuhay para mapag-usapan.

Sa huli, ano pa nga ba? Nangangamoy promotional tactics, gimik na naman. Kung gimik nga ito, Baron, ayusin mo!

By Chiksilog.com

loading...

6 thoughts on “Demanda ni Yasmien kontra Baron, promo gimik lang?!

  1. ang sama ng bunganga ng writer na ito, si yasmien na nga ang nabastos nilait lait pa, kapal din ng mukha nyang si baron mabuti nga wala na siya show sa gma bagay lang siya sa abs puro mga bastos

  2. My comment… just wondering… Baron was been in ABS-CBN for a long, long, long time.. but we never heard anytihng like this.. to think that most of ABS talent were really EXTREMELY BEAUTIFUL & SEXY… so why Jasmein…. just asking??? For me.. it’s unbelievable to comprehend!

  3. Napakawalang taste ni baron, mula sa elepanteng si aguila, to a hippoppotamus na yasmien. YASMIEN DAPAT MAGPASALAMAT KA AT BINASTOS KA, ISANG KARANGALAN YAN SA MATABA AT DI KAGANDAHAN NA GAYA MO! ang arte arte nakakainis!

    • franz,
      kahit ano pa klaseng tao, mukha mang elepante o palito ng posporo, e hindi dapat binabastos. dapat sa mga tulad mo pagbabarilin hanggang sa maging giniling na lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.