Demand at Supply ng Droga sa Bora, Tumaas

MAHIGPIT NA tinututukan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 6 ang patuloy na pagtaas ng supply at demand ng droga sa isla ng Boracay at sa iba pang bahagi ng Aklan dahil sa pagbuhos ng mga turista ngayong peak season.

Sinabi ni Atty. Ronnie Delicana, PDEA-6 regional director na inaasahan na nila ang pagtaas ng supply ng illegal drugs sa nasabing isla kung kaya’t mas lalong pinaigting ng kanilang ahensya ang kampanya laban sa mga ipinagbabawal na droga.

Ayon kay Delicana, mas madali para sa mga pushers na mag-libot at makihalubilo sa mga tao na hindi masyadong mahalata ng mga awtoridad ang kanilang pakikipag-transaction sa mga buyer.

Ibinunyag din ng PDEA official na kahit umano ang mga foreigner ay tumitira na rin ngayon ng Shabu na dati ay Marijuana, cocaine at Ecstasy lamang ang kanilang ginagamit.

Dagdag pa ni Delicana, na kanila ring napag-alaman na bank-to-bank din ang transakyon sa pagbebenta ng droga lalo na kung malaking pera ang sangkot.

Samantala, kinumpirma din ng opisyal na dahil sa pagtaas ng supply ng droga, sunud-sunod ang kani-lang ginagawang anti-illegal drug operation sa pakikipag-tulungan ng PNP sa Aklan at Boracay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.