Delivery Boy, Sugatan sa Dalawang Piso

SUGATAN ANG isang delivery boy nang saksakin ng tatay ng isang bata na tinanggihan bigyan ng P2 ng una, makaraan ang pagtatalo sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa likod si Marlon Miralles, 19, ng BMBA Compd., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Arman Dela Fuente, nasa hustong gulang ng 6th Avenue ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:30 ng umaga, nag-aalmusal ang biktima sa Maria Clara St., 7th avenue ng lungsod nang lapitan ng anak ng suspek na si alyas Toto at hinihingan ng P2 si Miralles.

Hindi nagbigay ang biktima na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa sumulpot ang suspek at tarakan sa likod ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.