Delivery Boy, Dedbol sa Bala

HINDI NA umabot sa loob ng kanyang bahay ang  31-anyos na delive-ry boy nang paulanan ng bala habang papauwi, sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakailan.

Kinilala ni SPO1 Milbert Balinggan, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Michael Abad, ng #326 Aplaya St., Block 1,  Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Christine Lagumen, dakong alas- 12:30 ng madaling-araw ay inihatid pa siya ng biktima sa terminal ng tricycle at bandang ala-1:00 ay nag-text pa umano sa kanya na nagpapaalam na may pupuntahan lamang.

Samantala, isang alyas “Amy”, 68, ang nagsabi na nakarinig na siya ng magkakasunod na putok ng baril pero hindi niya umano pinansin.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.