Deliberasyon sa 2014 Budget, Umarangkada na sa Senado

INUMPISAHAN NA ng Senado ang pagdinig sa 2014 national budget.

Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na unang beses nilang isasagawa ang budget hearing nang walang tiwala at galit ang taumbayan sa pamahalaan at mambabatas dahil sa umano’y pang-aabuso sa priority development assistance fund (PDAF) o pork barrel.

Tiniyak ni Drilon na kaisa siya sa laban sa kurapsyon at seryosong ikokonsidera ang hinaing ng taumbayan.

Gagamitin din aniya ng Senado ang kanilang constitutional duty para pag-aralan, busisiin at aprubahan ang budget.

Hiniling din ni Senate Pro Tempore Ralph Recto na gawin nang itemized ang pupuntahan ng pondo ng pamahalaan sa bawat ahensya para malaman ng taumbayan kung saan ito gagastusin.

Inihayag ni Budget Secretary Butch Abad, umpisa na ng reporma sa darating na Oktubre 5.

Sa ilalim nito, lahat ng ahensya na may lump-sum appropriations ay ire-require na magsumite ng dokumento kung saan ginamit ang mga ito.

Kung sakaling mabigo ay mapapasama ang mga ito sa “negative list” na hindi na matutuloy ang programa o hindi na mabibigyan ng pondo.

Tuloy rin ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pork barrel scam issue sa Huwebes ng umaga.

Samantala, imbitado sa naturang pagdinig si Comission on Audit (COA) Chief Grace Pulido-Tan at COA Commissioners Heidi Mendoza at Rowena Guanzon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.