Delfin Lee, ayaw maging state witness

ITINANGGI NG kampo ng nadakip at ngayo’y nakakulong nang may-ari ng Globe Asiatique na si Delfin Lee na balak nitong maging state witness.

“Hindi po siya nag-aapply… ni-reject na ‘yung idea na siya ay maging state witness kasi ang katwiran niya, meron siyang mga favorable na court rulings at saka iginigiit naman niya na may mga kontrata sila with Pag-IBIG at mini-maintain niya ‘yung posisyon sa bagay na ‘yun,” pahayag ni i Atty. Gilbert Repizo, tagapagsalita ng Pamilya Lee.

Kumbinsido si Repizo na ayaw maging state witness ni Lee dahil sakaling tumestigo ay mistulang inamin na nito ang mga ibinibintang na umano’y housing scam.

“Siguro ‘yun ‘yung dahilan kung bakit ni-reject ni Delfin Lee ‘yung idea nang iparating sa kanya na may posibility ng state witness,” ayon pa sa abogado.

Inihayag rin ni Repizo na walang tinutukoy ang negosyante na ibang personalidad na dawit sa nasabing scam.

Ngayong araw, nakatakdang mag-sumite ng petition for a writ of habeas corpus sa Court of Appeals para palayain ng mga awtoridad si Lee.

Kinumpirma naman ni Repizo ang pagtawag kay Oriental Mindoro Gov. Alfonso Umali noong gabing madakip si Lee.

Nauna nang inamin ni Umali na tinawagan niya si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Alan Purisma matapos mahuli si Lee makaraang makausap ang isang kaibigang abogado.

Gayunman, hindi aniya niya tinawagan si Umali para ipapigil ang pagdakip kay Lee bagkus ay para linawin lamang ang dokumentong pirmado ng PNP chief na noo’y hawak ng negosyante nang siya’y ma-timbog sa Maynila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.