DELAYED FLIGHT: Concert ni Vice Ganda sa Cebu, muntik napurnada!

Vice Ganda

NAPANGITI lang ako kay unkabogable box-office super star na si Vice Ganda sa Instagram post niya this morning ng picture niyang ito na naka-ruffles sa shoulder sa suot niyang mala-red or orange na outfit.

 
Caption ni VG sa kanyang posting: “Mahihiya ang bulaklak sa GANDA kong taglay!”
 
Naman! Pampa-good vibes on a Monday lalo pa’t happy si VG sa naging resulta ng kanyang Pusuan Mo si Vice Ganda concert series na isinagawa sa Cebu City last Saturday.
 
Sa katunayan, hindi niya tinapos ang noontime show niyang “It’s Showtime” at umalis na rin before the show ends dahil may flight siya for Cebu that day ng 4:40PM. Kaso with the airline reputation na kung hindi delayed ang flight nila ay naka-cancel.
 
Pero wait to death ang Team Vice Ganda at singer na si Noven sa airport at nakaalis lang ng 6:30PM. Dahil sa nangyaring delay, imbis 8:00PM ang show ay nakarating si Vice sa venue vg 9:00 PM habang nagsisimula na sina Lassi at MC as front act kasama si Noven Belleza.
 
Sa katunayan, dahil sa delayed flight ay hindi na nakapag-sound check si Vice.
 

Vice Ganda show in Cebu

 
Noong dumating si Vice sa Cebu, may kalakasan ang ulan. Natakot ang ilang production staff dahil baka hindi mapuno ang venue sa sobrang lakas ng buhos ng ulan pero blessing in disguise at napuno ang venue at almost 5,000 ang nanood ng show sa IC3 Convention Center.
 
Yesterday, Sunday ay nakabalik na si Vice sa Manila.
 
Regarding his MMFF 2017 movie under Direk Joyce Bernal, hindi pa nagre-resume ang shooting after noong nag-shoot silang ilang eksena ni Daniel Padilla sa Boys Town Marikina noong dumating siya galing ng Japan last week.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.