Del Rosario, tumulong sa mga nasunugan sa Pasay

PINATUNAYAN NG isang matagumpay na negosyante na taga-lungsod ng Pasay ang pagiging likas na matulungin nito sa kanyang kapwa lalo na sa kanyang mga kababayan at hindi nito kayang talikuran at tignan na lamang sa oras ng kagipitan at sa mga dumarating na kalamidad.

Isang simpleng mamamayan ng Pasay City si Jorge del Rosario, na mula sa angkan ng mga bayani at rebolusyunar-yong ninuno na sina Mariano at Salvador del Rosario, ng La Independencia-1898 at anak ni Jesus del Rosario, nagtatag ng National TV Panasonic at Kawasaki.

Sa loob ng taong ito, maraming krisis ang dumating sa lungsod at labis na naapektuhan ang Pasay City lalo na ang mga bagyong dumarating gaya ng Gener at ang Habagat na ikinalubog ng karamihan sa mga Pasayeños at wala naman humpay ang pagbibigay ng tulong ng kampo ni del Rosario sa kanyang mga kababayan.

Kamakalawa ng umaga bandang alas 10:00 isang sunog na naman ang duma-ting sa Barangay 51 Tramo-Alvarez Riverside, matapos sumabog ang isang tangke ng gas sa isang residente at umabot sa higit 200 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Dito, muling nauna na naman si del Rosario sa pagsagip

sa kanyang mga kababayan at personal nitong binigyan ng kumot, banig, damit, pagkain at boluntaryo pa siyang naglagay ng limang pirasong tent sa mga naabong bahay.

Hindi naman maiwasan dumugin si del Rosario ng kanyang mga kababayan na walang ibang matakbuhan kundi ang una na higit na may kakayanan tumulong sa kanyang kapwa Pasayeños at tila si del Rosario na lamang ang kanilang pag-asa sa lungsod para magising sa matagal ng bangungot na kahirapan sa naturang lunsod na kailanman ay wala ng aasahan pa sa kanilang naturingan mataas na opisyal ng pamahalaan lungsod ng Pasay.

“Matagal ng panahon na walang asenso ang lungsod, bagama’t ang mga nakakarangayalamang dito ay ang mga nakaupo sa city hall at kaming mga pobreng residente at balewala na sa kanila, kakarampot na tulong na kanilang ibinibigay ay halos mamalimos ka pa sa halagang P100,” ani pa Mang Nestor Latagan, 60.

Isa naman sa mga nagpapalakas ng loob sa walang humpay na pagtulong ni del Rosario at kanyang maybahay na si Patricia Braun sa kanilang mga kababayan ay si Vice-President Jejomar Binay.

“Gusto lamang namin makilala ng lubusan si del Rosario, at labis-labis ang kanyang tulong na ipinapaabot sa amin na mga mahihirap dito sa Pasay na minsan ay siya na pala ang aming kaharap at namumudmod ng mga relief goods sa amin,” ani pa ng mga residente.             (M.S.)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.