Del Rosario, ‘Di Magbibitiw Sa DFA

HINDI MAGBIBITIW si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa Department of Foreign Affairs.

Ito’y sa kabila ng napabalitang gusto na nitong mag-resign matapos ang mga isyu sa backchanneling ni Sen. Antonio Trillanes IV sa usapin ng territorial dispute sa Tsina na may basbas ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Raul Hernandez  sa binasang text message, ani Del Rosario na bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), sumumpa siyang maglilingkod sa bayan at mananatili siyang tapat dito.

Kasalukuyang nasa Washington ang kalihim at tutungo rin sa New York para dumalo sa United Nations General Assembly, ani Hernandez.

Samantala, nilinaw rin ni Hernandez na suportado ng buong ahensiya si Del Rosario.

Una na ring pinabulaanan ng Palasyo na may planong magbitiw sa puwesto ang kalihim.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.