Defense deal, ‘di kailangang ratipikahin ng Senado

NANINIWALA ANG dalawang kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino III sa senado na hindi na kaila-ngang ratipikihan ang pinirmahang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Punong Ehekutibo at ni US President Barack Obama.

Sinabi ng ilang senador na implementing guidelines lamang ng Visiting Forces Agreement ang EDCA kaya hindi na ito kailangang ratipikahan.

Binanggit ni Senator Grace Poe at Antonio Trillanes IV na kapwa naipaalam sa kanila ng mga defense at fo¬reign affairs officials ang nilalaman ng dokumento bago pa man dumating sa bansa si Obama.

Inihayag naman ni Poe, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs na ang EDCA ay pasok na sa VFA na niratipikahan ng Senado noong 1999.

Naniniwala naman ang senadora na kinakailangan ng bansa ang naturang agreement para mas mabigyan ng proteksiyon ang soberenya ng bansa sa gitna na rin ng problema kontra sa ginagagawang panghihimasok ng Tsina sa West Philippine Sea.”

Dapat aniyang samantalahin ng Armed Forces of the Philippines ang pagkakataon para i-modernisado ang mga pasilidad ng militar.

Tiniyak din ni Trillanes, chairman ng Senate committee on national defense and security na maayos na naipaalam sa kanyang komite ang nilalaman ng EDCA.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Defense deal, ‘di kailangang ratipikahin ng Senado

  1. Pingback: Defense deal, ‘di kailangang ratipikahin ng Senado - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.