Debutante, Dinaliri ng Bisita

KULONG ANG isang lalaking bisita sa debut ng biktima sa Caloocan City Linggo ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Jonathan Lanang, 23, ng Carmelite Village, San Lazaro, Tala ng lungsod.

Sa naantalang ulat ng pulisya, dakong alas-7 noong gabi ng Marso 2, 2013, nagkaroon ng pagtitipon sa bahay ng biktimang edad 18 ng nasabing lugar dahil nag-debut ang dalaga.

Tumagal ang kasayahan hanggang alas-4 ng madaling-araw, Marso 3, 2013, na naging dahilan upang magpasya ang mga bisita na sa bahay na ng biktima makitulog.

Dakong alas-6 ng umaga, nagising ang biktima matapos makaramdam ng kirot sa kaselanan at nang magmulat ay nakita ang kamay ng suspek na nakapasok na sa kanyang panty na naging dahilan upang magsisigaw ang dalaga.

Nagising ang kuya ng biktima na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis at ipadakip ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.