Debut ni Sarah Lahbati, ginastusan ng kanyang fans

PINAGHANDAANG MABUTI NG mga tagasuporta ng Starstruck avenger na si Sarah Lahbati ang kanyang ika-18 kaarawan noong nakaraang October 9 na ginanap sa KTS Restobar sa Timog Ave. Masugid na tagasuporta ng dalaga ang grupong AMIS DU SARAH simula pa lang ng nakipagsapalaran ito sa Starstruck tatlong taon na ang nakalilipas, kung saan ay kinse anyos pa lang ito. Ngayon ay worldwide na ang kanilang fans organization.

Sorpresa ng grupo ang party para kay Sarah na balak sana ng dalaga ay isang simpleng salu-salo lang. Nakiisa na lamang ang ina nitong si Mommy Estrella sa iba pang mga gastusin tulad ng pagpapa-raffle at sa iba pang mga pagkain. Hindi rin nakalimot na magpahatid ng cakes at gift items ang kanyang product endorsements.

Maraming Kapuso stars ang nagsipagdatingan na halos mga kasama niya sa Party Pilipinas. Ang iba ay naghandog ng awit at ang iba naman ay taus-pusong bumati lang sa kanya sa ibabaw ng stage, kabilang na rin ang kanyang bestfriend na si Megan Young.

Maraming ibang guest ang nakapansing wala sa okasyon si Enzo Pineda, bagama’t alam ng fans ang dahilan. Alam ng kanyang fans na inimbitahan ito ng ina ni Sam (palayaw at tawag sa kanya ng mga fans). Alam din ng fans na hindi darating si Enzo dahil nagkaroon na sila ng gap ng dalaga simula nang magkaroon ng unawaan ang binata at ang Alakdana star na si Louise delos Reyes. Ayon pa sa kanila, nagseselos ang huli kay Sarah dahil dati nitong ka-loveteam ng binata.

Sinasabing dati ngang nanliligaw kay Sarah si Enzo, ngunit binasted daw umano ni Sarah ang binata. Ayaw pa umano ng dalaga na makipagrelasyon. Kung maaari ay maging closed friend na lamang sila. Gusto pa muna nitong unahin ang career dahil ito ang hilig niya at may ambisyon pa itong gustong marating.

High school graduate lang si Sarah, ngunit gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa college sa La Salle kung may pagkakataon. Apat silang magkakapatid, siya ang bunso at nag-iisang babae. Isang Morrocan ang kanyang ama na si Abdel Lahbati, na nakabase ngayon sa Switzerland dahil sa kanyang trabaho. Madalas ay kasama nito roon si Mommy Estrella. Nagpo-produce na rin umano ito ng mga shows sa abroad. Nai-book na rin niya ng show sa Switzerland sina Sarah at Enzo by January 2012.

Alagang-alaga ng Kapuso Network si Sarah. Kaya naman lubos ang ka-nyang pasasalamat sa kanyang mother studio. Latest na ibinigay sa kanya ang teleseryeng panghapon na Kokak na kanyang pagbibidahan. Ipalalabas na ito by November. Kasalukuyan pa rin siyang nasa Time of My Life at regular sa Party Pilipinas.

 

loading...

One thought on “Debut ni Sarah Lahbati, ginastusan ng kanyang fans

  1. thanks for the article :) 
    I’ll just correct our official name Amis De Sarah po :)))
    We’re very happy and proud that from the start, we’re here for her to support ! :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.