Deborah Sun, humihingi ng tulong kay Aiko sa pampa-rehab ng kapatid na si Jam Melendez

Deborah-Sun‘YUNG KUWENTO kay Deborah Sun ang isa sa malaking kuwentong ilalabas ng Startalk.

Pagkatapos niya kasing magpa-interview sa Startalk nu’ng nakaraang linggo, may latest na kuwento na nangyari na isinumbong ni Deborah sa mga taga-Startalk.

Binugbog daw siya ng anak niyang si Jam Melendez, kaya napilitan na siyang ipasok ito sa isang facility para ipa-rehab.

Ang problema lang ni Deborah, wala siyang perang pampa-rehab kay Jam kaya humihingi ito ng tulong kay Aiko Melendez.

Pero mukhang hindi naman puwede si Aiko, at may sarili rin itong dahilan kaya hindi nito natulungan si Deborah.

Abangan n’yo na lang sa Startalk kung ano ang susunod na magaganap. Abangan n’yo na lang ang eksklusibong ito ng Startalk.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

One thought on “Deborah Sun, humihingi ng tulong kay Aiko sa pampa-rehab ng kapatid na si Jam Melendez

Leave a Reply

Your email address will not be published.