Deborah Sun, hirap at pagod na sa buhay! – Chito Alcid

MAY BISYO ANG anak ni Deborah Sun (Jean Louie Salvador sa tunay na buhay) na si Gelanie. Lagi itong nagwawala. Pinagwawasak at pinagtatadyakan ang mga kagamitan ni Deborah sa bahay. Lumalabas pa ito ng kalye at naghuhubad.  Todo ang pagwawala ng pinsan ni Maja Salvador.

Nagtangka pa itong magpakamatay kamakailan. Nagsaksak ito sa sarili. Uminom pa ng panglinis sa banyo na Mr. Muscle. Tapos uminom din ng maraming Tylenol saka Centrum. “Hirap na hirap na ako. Puro problema ang binibigay nila sa akin. Ipapa-rehab ko sana si Gelanie kaso may kaso pa siya sa Makati na dinidinig. 2003 pa ang kasong ‘yun, nasa New York pa ako. ‘Di makabubuti kung ipapa-rehab ko siya. Kaya ipinasok ko na sa Care Center. Pagod na pagod na talaga ako!”

[ad#post-ad-box]

Kaibigan namin si Deborah. Nang ito ay makulong sa Correctional Institute for Women, lagi namin siyang dinadalaw. Nang ito ay makalaya, magkasama kami ni Fanny Serrano sa pag-welcome sa kanya in a special dinner sa Crabs Restaurant. Hindi malaman ni Deborah kung paano siya magsisimula noon. Mabuti’t binigyan siya ng mga teleserye ng GMA-7.

Kinakaya ni Deborah ang lahat ng problema sa buhay. Maging ang anak niyang si Jam Melendez (brother ni Aiko Melendez) ay pasan din ni Deborah. Madalas umiyak ang mahusay na character actress. Lagi rin siyang kinakapos sa pera.

LAST MONDAY NG madaling-araw ay kasama namin si Pilar Pilapil. Napakaganda pa rin ng muti-awarded actress. Marami kaming napag-usapan. Isa na ang tungkol sa isyung demandahan nina Amalia Fuentes at Joey Stevens. Two years na kasing puro tensiyon, court hearing at arestuhan ang nangyayari.

“Tell Amalia these two words –LET GO!” Mariing pahayag ni Pilar. Naniniwala ang 1967 Binibining Pilipinas na hindi na dapat pag-aksayahan ng oras ang pagkakaroon ng ibang babae ni Joey. I-enjoy na lang daw ni Amalia ang future and let go na sa mga magulong kaganapan sa kanila ni Stevens.

Two years ago, sina Amalia at Joey ay naghiwalay. Meron diumanong babae si Joey by the name of Angelica Aznar-Sierra na taga-Cebu City. Nagkaharap sina Amalia at itong si Angelica for the first time last Oct. 1 sa presinto where Angie was placed behind bars (dahil sa isang kasong libel filed by Gerick Stevens, adopted son nina Amalia at Joey). Sabi sa amin ni Amalia, “Concubinage is a criminal act!”

Katwiran ni Pilar, may mga edad na sila. Joey is 77 years old samantalang Amalia turned 69 last August 27.  Nagkasama sa pelikulang Imelda: Ang Uliran sina Amalia, Pilar at Boots Anson Roa, na kung saan nagwagi ng FAMAS Best Actress si Pilapil.

Ayaw pag-usapan ni Pilar ang edad. Pero hindi niya alam na bistado ko siya. Saktong 60 anyos na siya. Senior citizen na ang magandang Bisaya.

By Chito Alcid
Acid Talk

loading...

One thought on “Deborah Sun, hirap at pagod na sa buhay! – Chito Alcid

  1. sana maging silbing aral sa atin ang mga aristang eto na gumon sa mga pinagbabawal na gamot, pangangalakal ng kanilang mga inuuod na katawan para lang magkapera at sumikat ng konte but in the end masabi ngang may mga utak kaya lang nalulunod sa isang basong tubig pag lulong na sa mga masasamang bisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.