Debate sa Bangsamoro, pagkatapos pa ng SONA

HUMIHIRIT PA ng dagdag na panahon si Government Chief Negotiator Prof. Miriam Coronel-Ferrer, para marepaso pa nang husto ang Bangsamoro bill.

Ito ay dahil bigo pa rin umanong makompleto ang draft na magiging basehan ng babalangkasing batas.

Naniniwala si Ferrer na magkakaroon ng full swing ng debate para sa Bangsamoro ang Kongreso  sa pagpasok ng second regular session ng 16th Congress o pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Noynoy Aquino III.

Hiling naman nito sa mga mambabatas na magkaroon na sana ng mga inisyal na panukalang may kaugnayan sa binubuong political entity para ipasok na lang ang iba pang bahagi kung maisasalang na ito sa mga pagdinig.

Tiniyak din ni Ferrer na maingat na ikinokonsidera ang lahat ng aspeto para sa Bangsamoro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.