Death toll sa 2 magkasunod na bagyo, pumalo na sa 82

UMAKYAT NA SA 82 ang patay sa pananalasa ng mga bagyong Pedring at Quiel.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 71 ang nasawi sa bagyong Pedring habang 11 sa bagyong Quiel.

Nasa 25 naman ang nawawala habang 66 ang sugatan sa pananalasa ng Pedring habang isa ang nawawala at 12 ang sugatan sa Quiel.

Umabot naman sa 635,405 pamilya o 2,957,613 katao sa 308 na bayan at 42 lungsod sa 35 lalawigan ang apektado sa pananalasa ng bagyong Pedring habang nakaapekto sa 205,058 pamilya o 1,015,069 katao sa 117 bayan at siyam na lungsod sa 17 lalawigan ang bagyong Quiel.

Naitala sa kabuuang P9,551,972,928.81 ang halaga ng pananalasa ng dalawang bagyo.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.