Death toll kay Pedring at Quiel, lagpas na sa 100

BAGAMA’T MAY BAGO nang inaasahang bagyo na papasok sa Philippine area of responsibility, patuloy pa ang paglobo ng bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng mga bagyong Pedring at Quiel.

Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa 101 ang bilang ng fatalities sa nasabing magkasunod na bagyo na humagupit sa bansa sa hu-ling linggo ng Setyembre.

Sa kabuuang bilang, 82 ang nasawi dahil sa bagsik ni Pedring habang 19 naman kay Quiel.

Umaabot naman sa 73 ang naitalang sugatan na karamihan ay mula sa Hilaga, Gitnang Luzon, pati na sa Metro Manila.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa 79 sa death toll ng typhoon Pedring, umakyat na ito ngayon sa 82.

Tinatayang mahigit 10 naman ang nasugatan dahil kay Quiel.

Sa tala naman ng halaga ng pinsala, nasa P13 billion na umano ang mga ari-arian, istruktura  at pananim na nawasak dahil sa hagupit ng magkasunod na sama ng panahon.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.