Death Toll kay habagat: 4 na

UMAKYAT NA sa apat katao ang nasawi habang sugatan ang anim na iba pa habang isa pa ang pinaghahanap bunsod ng pananalasa ng Low Pressure Area (LPA) sa bansa partikular na sa bahagi ng Luzon.

Sa huling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga nasawi ay kinilalang sina Christian Serrano, 9-anyos, at Rodel Pugoy Sr., 29-anyos na naunang napaulat na natabunan ng gumuhong pader noong nakaraang araw sa Valenzuela City, Raymundo Reprado mula sa El Nido, Palawan, at Ronel Malinao ng Puerto Princesa, Palawan.

Habang kinilala naman ang anim na mga sugatan na sina Rodel Pugoy Jr., Rhiver Pugoy, isang taong gulang; Grace Pugoy, 23 taong gulang ; Feliriano Basilia Balcac, 54, na natamaan ng mga tipak na bato sa La Trinidad, Benguet;  Eliza Balcac, 74; at  Ricardo Briones Glee, 44, na residente ng Brgy. Dalumbayan, Teresa, Rizal .

Samantala patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang biktimang si Diolito Castillo Jr., 31-anyos mula sa Sta. Fe, Romblon.

Kaugnay nito, nasa 25 pamilya o katumbas ng 252 katao ang naapektuhan sa nangyaring mga pagbaha mula sa Alabat, Quezon, Antipolo City, Teresa, Rizal, Caloocan City at Valenzuela City. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.