Death toll kay Bebeng: 15 patay, 3 nawawala

BAGAMAN TINUTUMBOK NG bagyong Bebeng na may international code name na Aure ang palabas ng bansa partikular ang Okawa, Japan, patuloy namang nadaragdagan ang bilang ng mga nasawi at nawawala.

Ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), as of 6:00 AM kahapon, umakyat na sa 15 ang bilang ng mga nasawi habang tatlo ang nawawala bunsod ng paghagupit ng bagyo sa 17 bayan, tatlong grupo ng mga isla at Metro Manila.

Sa nasabing ulat, pinakamarami sa mga nasawi ay mula sa Bicol region na umabot sa 10. Habang tig-isa naman mula sa Leyte, Northern Samar, Las Piñas at Calumpit, Bulacan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Roberto Hojila, 33; Alberto Tolentino, 59; Rexambard Tayamora, 9; Maricel Reulan, 19; Princess Reulan, 8 months; Marco Sanchez, 7; Aristeo Sabido, 31; Rolandro Balandia; Mario Nuñez, 52; Arnulfo Pesito, 23; Lourdes Lantero, 58; Adrian Clark Ayanan, 16; Jesus Paloma, 45; Luis Dingcol, 46; at Jerry Mijares, 38.

Nawawala nama sina Agmeti Condat; Dodoy Ronan at isang nakilalang Mr. Aba-gat.

Umakyat naman sa 33,034 pamilya o katumbas ng 173,915 katao ang apektado ng kalamidad kung saan ang ilan ay nasa evacuation centers pa rin.

Tinatayang mahigit sa P117 million na ang initial na pinsala sa agrikultura maliban pa sa hindi mabatid na pinsala sa imprastraktura.

Nauna rito, nasawi ang 59-anyos na si Alberto Tolentino, matapos na manalasa ang isang buhawi sa Calumpit, Bulacan habang nalunod naman si Roberto Orquia ng Las Piñas. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.