Death Penalty sa Isang Pinay sa Malaysia, Nakaapela na

KASALUKUYANG NAKAA-PELA na sa Malaysian court ang ipinataw na death penalty sa isang Pinay na nahatulan noong Setyembre 28 dahil sa drug trafficking.

Batay sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), tiniyak ni Consul General Medardo Macaraig na hindi agad isasagawa ng Malaysian authorities ang pagbitay sa naturang Pinay dahil kadalasang inaabot ng dalawang taon o higit pa ang proseso kapag nakaapela ang desisyon sa Malaysian Court of Appeals.

Dinampot sa Kuala Lumpur International Airport noong Marso 28, 2010 ang hindi pa pinapangalanang Pinay dahil nasamsam sa kanya ang dalawang kilo ng heroin at morphine.

Tiniyak ng opisyal na may mga tauhan ang embahada na nakatutok sa naturang kaso.

Samantala, nabatid naman na ngayong taon, limang Pinoy na nasa death row sa Malaysia ang pinagkalooban ng clemency kaya umaasa ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas doon na mapagbibigyan din ang hiling ng panibagong death convict.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.