DEATH MATCH: Angelica vs Azkals Fan!

PANAHON TALAGA NGAYON ng patutsadahan sa mga networking sites gaya na lang ng naging sagutan sa Twitter nina Angelica Panganiban (@ IamAngelicaP) at ng isang “Baby Morales” sa micro-blogging na

isa sa mga fans ng guwapong striker ng Philippine football team na Azkals na si Papa Phil Younghusband.

Nag-react ang young actress sa napapabalitang indie film, kung saan lalabas umano si Papa Phil. Ayon kay Angelica, “si phil may indie fi lm… Akala ko ba football player sya??? :( lahat na lang artista na :( sad…” Dagdag pa nito, sana raw ay mag-concentrate na lang si Papa Phil sa football para tuluy-tuloy ang panalo nito. Dahil sa mga tweet ni Angelica eh, may mga nag-react na fans ng Azkals lalo na itong “Baby

Morales” na nagbato ng mga salitang “dumb,” “stupid,” at “bitch”. Dinamay rin ng mahadera ang dyowa nitong si Papa Derek Ramsay sa pagsasabing “trying hard” itong magpaka-athlete. Binanggit na rin ng fan ang isyung pinaampon lamang si Angelica dahil iniwan siya ng kanyang ama noong maliit pa lamang siya. Sa paninirang ito ng Azkals fan eh, nag-init na ang ulo ng lola n’yo at balak umanong magdemanda, huh! Lagot na, he-he! Huwag sanang umabot sa ‘death match’ ang war na itey ng Azkals fan at ng Bida-

Kontrabida. Tsuk!

Photos by Fernan Sucalit & Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “DEATH MATCH: Angelica vs Azkals Fan!

  1. Ang lakas ng tawa ni RUBI… Askals is really an amateur team. Everytime they play theres a lot of reasons…masyadong malamig…masyadong mainit blah blah blah…that if in case they won gagawing sangkalan ang mga reasons. sigh… so what Phil Younghusband. after your injury maybe mag artista ka na lang you might not really belong to Sports field.

  2. WE LOVE PHIL & ANGEL!!! SA LAHAT NG INTERVIEWS NI PHIL TALAGANG MAKIKITA MO NA MERON SIYANG BREEDING DAHIL THE WAY HE EXPLAINED HIS SIDE ABOUT THE ANGELICA ISSUE VERY CLASSY! SI ANGELICA SUPER CHEAP TALAGA NAPAKA PALENGKERA AT SINABIHAN PA ANG AZKALS NA LUMALAKI ANG MGA ULO DAW! WHAT'S HER BASIS FOR THAT STATEMENT? SIYA NGA YUNG SUPER LAKI NA ANG ULO LAHAT INAAWAY! CHEAP GIRL!!

  3. wala na tong kwenta natalo na ang azkal at d makapglaro ung c phil,lagi ksing nsa interview kesa mgpraktis ayan tuloy,

Leave a Reply

Your email address will not be published.