Dealer ng Baboy, Kinatay

 

KINATAY ANG isang hog dealer matapos itong pagsasaksakin ng matansero nang magtalo ang mga ito sa loob ng slaughter house kahapon ng hatinggabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot pang buhay nang idating sa Pagamutan Bayan ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Ciriaco Herrera, 42, ng No. 148 Kabulusan I A, ng nasabing lungsod.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Ranulfo Capintog ,42 ng Lapu-Lapu Ave., Dagat-dagatan , Brgy., 8 ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:55 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa tapat ng gate ng slaughter house, Lapu-Lapu Ave., Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.

Nagtatalo ang biktima at suspek sa loob ng nasabing slaughter house hanggang sa magpasiyang lumabas na lamang si Capintog upang umiwas.

Sinundan pa rin ng biktima ang suspek sa labas na naging dahilan upang kumuha ng patalim si Capintog at pinag-uundayan ng saksak sa katawan si Herrera saka nagsitakas habang dinala naman sa naturang pagamutan ang huli subalit hindi umabot pang buhay.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang pinagmulan ng pagtatalo ng biktima at ng suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.