Deadma lang sa pang-aasar ni Joey… Allan K, proud bilang best variety show host

AKALAIN BA namang naging issue ang ginawang pagbibiro ni Joey de Leon sa Eat Bulaga! kamakailan tungkol sa pagkapanalo ni Allan K as Best MaleVariety Show Host sa nakaraang 25th PMPC Star Awards For TV. Nagwagi rin si Vic Sotto sa gano’ng kategorya sa Golden Screen Awards ng Enpress. Kahit alam nating biro nga lang, para umanong hindi magandang pakinggan ‘yong nasabi ni Tito Joey na ang publiko na raw ang humusga kung alin sa dalawa ang mas credible na pagkapanalo. Hindi naman affected si Allan K sa pasaring ni Tito Joey dahil kilala na raw niya ang TV host. Maraming taon na rin ang ginugol ni Allan sa paghu-host at pinaghirapan talaga niya kung anuman ang kinatatayuan niya ngayon sa industriya, ‘di ba? Proud na proud nga ang komedyante sa pagkapanalo niya ng nasabing award na akala raw niya’y wala na siyang mahihiling pa, ‘yun pala ito ‘yun at talagang natupad ang kanyang dream nang bongga. May mase-sey pa kaya ang ating bida sa tinamong niyang achievement?

Photos by Ricky Agapito, Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.