Larawan sa Canvas: De Rossi Life of Alessandra

MESTIZA FROM ITALY

Wow, ha! Parang wine ang kanyang apelyido. Guess ninyo? Ahumm, kung wine ito… ahumn, tiyak beauty at sexy ito. Well… tiyak! Kayo na nga ang kumilatis, he-he-he! Pasadahan na kaya natin.

Nakita ko nga si Alessandra De Rossi sa MYX MO 2009: BANGON, REPUBLIC OF MYX Concert, huh! Lagi kasi tayong invited ng ating kaibigan na si Kathy Solis ng ABS-CBN. Wow! Congrats sa magarbo at talagang umaatikabong rakrakan d’yan sa Mall Of Asia. Naks! Kayrami naman ng mga banda mahigit fifty (50).

Hi, kumusta? Sabay beso- beso kay Alex. Nag-aano ka ngayon dito sa MYX? Ano, tagahanga ka rin? Fans ka? Reply naman niya, “Haaah?!” Fans ka? Kulit ko, ‘noh? “Magpe-perform ako. Yes, for Tik Tok Tik Tok Campaign for Climate Change.” Galing-galing! Noong nakaraan lang eh, may isinulat ako about climate change. “Well, ang ini-explain nila sa akin is aah… what actually I can do para mabawasan ang nangyayaring pagre-rebelde ng environment. Iyong sasakyan, sa kuryente, sa kalat.”

MOVIE CAREER

Well, ano ang reference mo sa pagiging mahusay na artista? “Kusa, natural acting.”

Anyways, ayon sa kanya tiyaga lang sa mga auditions nu’ng una bago siya na-discover. Ano ang pinakamaganda mong ginawa na hindi maaalis sa isip mo? “Siguro kung movies iyan, eh, iyong Munting Tinig of course, kasi iyon din naman iyong pinaka… uhmmn, maraming awards.”

How about going sexy? “Sa pictorials, oo. Pero kapag moving na iyong shots, huhmmn… ayoko talaga. Hindi naman ito rin ang mundo ko. Right now medyo gumagawa ako ng music, hoping na kapag tumigil ako, mapupunta ako sa film story or something, p’wede ‘di ba?”

Ano ang gusto mong maging? Kasi minsan kontrabida ka, okay lang sa ‘yo?

“Hindi naman, kasi mas light rin lang naman ang pressure kapag kontrabida ka kasi hindi rin naman ikaw iyong nagdadala ng show.”

TALKING ABOUT LOVE LIFE

Kumusta naman ang love life mo? “Zero!”

Ows? “Matagal na, 3 years na yata akong single.”

Bakit sa tingin mo? “Ah, wala lang… wala lang may chance. Oo basta.”

Ano? Wow, huh! Kumbaga sa wine, mas malasa ang 25 years old na girlie. Guys make naman it for serious, huh! Para naman makuha mo ang trust ng isang magandang chikabebs.

Ayon kay Alex, ang tipo niyang lalake, “Cool at ah, gusto ko may ‘topak’ din katulad ko. Ha-ha-ha-ha. Siyempre para magkaintindihan kami, ‘di ba.”

PRIVATE ALEX

“Yeah, pagkagising siyempre iisipin ko muna kung ano ang mga puwede kong gawin. Check ko iyong telepono ko kung ano ba ang mga lakad ko.” ‘Yung cel? “Oo, magtatawag na ako. Hindi ako mahilig manood ng TV. Ah, hindi lang siguro maganda iyong mga pinapanood ko lately, he-he-he-he.”

Bale ano ang suot mo kapag natutulog ka? “Right now kasi malamig, so, nagpa-pajama ako. Kapag mainit, eh, tank top. P’wede namang underwear lang pero minsan hindi ako ganu’n kakumportable, eh. Kasi iyong bahay ko parang bahay ampunan, daming tao. He-he-he!”

ARTIST’S COLORS

Ano ang masasabi mo para mailabas natin sa Pinoy Parazzi bilang artista ka, ano ang kulay mo? “I don’t know. Artista lang po ako, hindi ako… hindi ko ibibigay iyong buhay ko para rito. Iyong trabaho ko lang ang ginagawa ko nang maayos.  Yeah, ‘pag feeling ko medyo masasagasaan na iyong prinsipyo ko, kung ano man ang pangarap ko, at iyong character ko, hindi ko na siya gagawin. Minsan kelangan kong mapilitan, hindi ko alam kung bakit. Siguro may mga pagkakataong wala na akong kapera-pera, or masyadong maganda iyong project na hindi mo puwedeng palampasin.”

Why not, ‘di ba? Pero ikaw ay ikaw pa rin. “Yes, history is done, hindi mo na siya mabubura.”

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.