de Lima, walang delicadeza

PINASARINGAN NI Sen. Bongbong Marcos si Justice Secretary Leila de Lima na walang delicadeza na maghangad pa na maging chief justice matapos ang partisipasyon nito sa impeachment trial na ikinasibak sa puwesto ng balak palitan na si dating Chief Justice Renato Corona.

Ito ay sa kabila ng harap-harapang pagmamalaki ng nasabing gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino na siya ang malakas na aspirante sa pagiging chief justice.

Samantala, pinaghahanda naman ito ng isang miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) para magpaliwanag sa kanyang naging papel sa impeachment trial.

Sinabi ni Sen. Chiz Escudero na kinatawan ng Senado sa JBC, kailangan lamang nilang tanungin ang kalihim kung bakit sa kabila ng naging testigo sa impeachment trial kay Corona ay lakas-loob nitong tinanggap ang nominasyon para sa susunod na punong mahistrado.

Nilinaw naman ni Escudero na hindi magiging limitado lamang kina De Lima at acting chief Justice Antonio Carpio ang short list na isusumite kay Pangulong Aquino.

Kasabay nito, nilinaw ng senador na magiging patas sila sa pagsala ng lahat ng mga nominado na umabot sa 72, kung saan 25 ang tumanggap ng kanilang nominasyon. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.