De Lima, umalma kay Jinggoy

INALMAHAN NI Justice Secretary Leila de Lima ang naging previlege speech ni Senador Jinggoy Estrada na umano’y merong nagdidikta na isang DoJ undersecretary sa mga witness ng PDAF scam.

Hinamon ng kalihim ang mambabatas na pangalanan nito ang kanyang tinutukoy na opisyal ng ahensiya.

Iginiit ni De Lima na hindi kailanman dinidiktahan ang mga hawak na testigo ng NBI sa kaso na kinasasangkutan ni Estrada at ng iba pang mga mambabatas.

Aniya, dapat kasi na walang butas ang magiging testimoniya ng mga witness para ibunyag ang kanilang mga nalalaman sa anomalya.

Base sa talumpati ng senador tinuligsa nito ang DoJ, sina Ruby Tuason at Dennis Cunanan kung bakit siya lamang kasama ang dalawang mambabatas na sina Senators Juan Ponce Enrile at Ramon Revilla Jr. ang target umano, sabay tanong kung sino ang nasa likod nito.

“Sino ang nagpapagalaw kay Cunanan para sabihin lamang nito sina Enrile, Revilla at Estrada, bakit yung ibang Senador hindi binabanggit,” giit ng mambabatas.

Ibinulgar pa nito na may isang “USEC” umano sa DoJ ang nag-uutos sa mga whistleblowers na idiin silang tatlo nina Enrile at Revilla.

“More than 200 legislators, more than 30 NGOs, more than P2 billion dumaan PDAF sa TRC. Ang naalala lang ni Cunanan: Revilla, JPE, Estrada,” ayon pa kay Estrada.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.