De Lima, Umaapela sa mga Posibleng Testigo sa Quezon Shootout

IGINIIT NI Justice Secretary Leila De Lima ang kahalagahan ng ginagawang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyaring engkwentro sa Atimonan, Quezon noong nakaraang linggo.

Importante raw na isang independent body ang magsagawa ng imbestigasyon para maalis ang mga ispekulasyon ng whitewash.

Una nang kinuwestyon ang pagiging lehitimo ng operasyon lalo na ng mga kaanak ng mga nasawi.

Noong nakaraang linggo, nadiskubreng hindi tuluyang naproseso nang mabuti ng Philippine National Police (PNP) crimelab ang sasakyan ng mga napaslang matapos makakuha ang NBI ng ilan pang mga basyong bala.

Nandiyan din ang isyu ng mga gamit na hindi lumabas sa imbentaryo ng PNP.

Kabilang na rito ang litratong lumabas sa mga pahayagan na kuha sa isa sa mga napaslang kung saan isa ay may baril na katabi at sa isa ay nawawala na ito.

Samantala, nagsagawa na rin ang NBI ng autopsy sa mga bangkay ng mga namatay.

Kasama naman sa pagsisiyasat ng NBI ang paghahanap ng mga tetestigo sa nangyaring insidente pero aminado si De Lima na maaaring mahirapan sila rito.

Wala namang ibinigay na deadline si De Lima sa NBI para tapusin ang pagsisiyasat pero nilinaw niya na mismong ang Pangulo na ang nag-utos ng imbestigasyon sa naturang kirmen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.