De Lima, tutol sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani

MAHIGPIT NA TINUTULAN ni Justice Secretary Leila de Lima ang balak na pagpapalibing sa dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay De Lima, hindi pa rin tapos ang isyu ng kalapastanganan sa mamamayang Pilipino at sa libu-libong biktima ng karapatang pantao noong panahon ng rehimeng Marcos.

“What is important is truth and justice. Did we ever achieve that already?” ani pa ni De Lima.

Una nang lumutang ang naturang panukala noong taong 1999, sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Joseph Estrada pero mariin itong tinutulan ng publiko.

Gaya ni De Lima, ito rin ang hinahangad ng grupong Pagbabago! People’s Movement for Change na isinusulong ang malawakang pagtutol sa panukalang pagpapalibing sa dating diktador sa Libingan ng mga Bayani.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.