de Lima, tama lang madiskwalipika

KUMPIYANSA ANG Integrated Bar of the Philippines (IBP) na malaki ang posibilidad na mapabilang si Justice Sec. Leila de Lima sa shortlist ng pinagpipiliang bagong Chief Justice sakaling wala itong kinahakarap na disbarment case.

Ayon kay IBP Pres. Roan Libarios, inihayag nito na mistulang hindi lamang napapanahon kay De Lima ang pagkakataon dahil sa kinakaharap pa nitong kaso sa ngayon.

Sinabi pa ni Libarios na sinunod lamang ng Judicial and Bar Council (JBC) ang “rule of law” na dapat iimplementa gaya ng ginawa ng IBP.

Aniya, naging istrikto lamang sa pagsunod sa batas ang JBC kaya’t nagdesisyon silang i-disqualify na lamang ang kalihim.

“Meron kasi siyang pending cases sa IBP, hindi ko alam sa ibang mga nominado na may pending cases, habang sa amin, si Sec. De Lima lamang ang may disbarment case,” ani Libarios.

“Ang rule of law, mukhang hindi talaga napapahon kay Sec. De Lima sa isyu na ‘to ngayon,” dagdag pa ni Libarios.

Una nang tiniyak ng JBC na nakahanda silang magpaliwanag sa kanilang naging desisyon na pag-diskuwalipika kay De Lima.

Binigyang-diin naman ni Atty. Jose Mejia, isa sa JBC member na tumatalima lamang sila sa rules na nagsasabing awtomatikong diskuwalipikado ang nominado na may kinakaharap na kaso.

Sa disbarment case ni Solicitor Gen. Francisco Jardeleza, naka-pending pa sa Office of the Bar Confidant habang ang kay Security and Exchange Commission (SEC) chairperson Teresita Herbosa ay matagal nang nadismis, habang ang kay De Lima naman ay patuloy na iniimbestigahan ng IBP, ani Mejia.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.